DOZ’s POV Paano ko makakausap si Iza, kung patuloy niya akong sinusungitan at iniiwasan? Parang ibang tao na ako sa kaniya. Napapunta ko siya sa opisina pero hindi ko siya napapayag sa nais ko. Talagang inilalayo na niya ang loob niya sa akin. Ni hindi kami nakapag-usap nang maayos. Nagising siguro siya na naisip niya na para siya sa ka-edaran lamang niya at hindi nababagay sa akin. Kung ang dahilan talaga nito ay ang pagpipigil ko? Sana hindi ko na lang talaga pinigilan ang sarili ko. Sinunod ko na lang ang gusto ng aking katawan. Kung ganoon ba ang nangyari ay masisiyahan talaga si Iza? Iniisip ko lang din ang kalagayan niya dahil babae siya at bata pa. Kung may mga matatanda na magsasabi sa amin na bagay kaming dalawa ni Iza, liligawan ko siya agad. Dahil kung may magsasabi ng ga

