DOZ’s POV Kapag iniwan ko siya magagalit lalo ang baby ko. Iyon lang naman ang pakiramdam ko. Sana pala binihisan ko na lang siya dahil mukhang kasalanan ko kung bakit ganito ang suot niya? “Kanina nagpapabihis ako sa iyo, ayaw mo. Ngayon magrereklamo ka dahil ito ang mga suot ko. Hindi naman kita maintindihan.” Nilagpasan na niya ako at dumiretso siya sa study table niya. Naupo siya sa harapan nito at nagsimulang magbuklat ng notebook. Napamaywang na lang ako at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Kung aalis ako ngayon, kailan ako babalik? At may babalikan pa kaya ako? Baka mag-alburuto lalo siya. Hindi ko alam kung paano ko siya lalapitan. Narinig ko na lang at nagpatugtog ito. Abala na siya sa paggawa ng homework ni hindi pa siya kumakain. Mamaya sasakit ang ulo niya. Ibini

