"Congratulations Mrs. Celine Jones-Saavedra and Mr. Dustin Saavedra!" masiglang bati ng host.
Isang masigabong palakpakan ang sumalubong sa bagong kasal. Habang naglalakad sa red carpet ang mag-asawa ay naririnig ni Celine ang mga bulungan sa paligid.
"Sus hindi naman mahal ni Dustin ang babaeng 'yan. Si Don Alexander lang ang dahilan kung bakit sila ikinasal," sabi ng pinsan ni Dustin na si Elaine.
"Oo girl, tama ka riyan! Ang chaka-chaka saka ang tanda na no'ng wife niya nakakaloka! Ang dami-daming nagkakandarapa sa pinsan mong mas bata at mas maganda kaysa sa napangasawa niyang 'yan! Bakit kaya siya ang napili ni Dustin?" sulsol naman ng babaeng katabi ni Elaine.
Lalong nawalan ng gana si Celine na ngumiti sa araw ng kaniyang kasal. Napansin ni Dustin ang biglang pagtungo ng kaniyang bride.
"May problema ba Celine?" tanong ni Saavedra.
Umiling lang si Celine at nagpatuloy sa paglakad.
"Hindi sila bagay! Mahirap lang 'yong babae tapos sobrang yaman naman no'ng lalaki! Parang langit at lupa ang agwat nila sa isa't-isa!" sambit ng matandang bisita habang nakatingin sa paparating na si Celine. "I think, she's a gold digger or should I say, a professional social climber," dagdag pa ng matanda.
"Lola, baka naman nabuntis ni Dustin 'yong babae kaya pinakasalan," bulong ng apo ng matandang babae.
Sa pagkakataong ito ay tuluyan nang pumatak ang mga luha ni Celine. Huminto siya sa paglalakad na siyang ikinagulat ni Dustin. Pinahid niya ang kaniyang mga luha at pagkatapos ay hinubad niya ang high heels na suot niya. Masakit na rin ang kaniyang mga paa. Tiniis niya lang magsuot noon sa may simbahan.
"Celine anong ginagawa mo?" Dustin raised his eyebrows nang makita niya ang ginagawa ng kaniyang asawa.
"Nagtatanggal ng sapatos. Hindi pa ba obvious?" mataray na tugon ni Celine.
Napahilamos sa mukha ni Dustin ang kaniyang kanang kamay.
"Wear it. Kaunting tiis na lang Celine. Tapusin mo man lamang itong reception bago mo 'yan alisin. Please," pakiusap ni Dustin ngunit hindi siya pinakinggan ni Celine.
Nang makita nina Freya at Celestine ang ginawa ng kanilang best friend ay agad silang lumapit sa kaniya para bigyan siya ng flat shoes. Lumakas ang mga bulungan sa paligid habang nakatingin ng masama kay Celine. Napabaling ang tingin ni Celine sa kinatatayuan ni Don Alexander.
"It's okay. Do what makes you comfortable," sabi ng matandang bilyonaryo.
Napangiti naman si Celine nang makahanap siya ng kakampi.
Sa kabilang banda naman ay nandoon ang kanyang Tatang Clenthon na ngayon ay hindi magkaintindihan sa kaniyang kinauupuan. "Celine! Anong ginagawa mo?" bulong nito habang nakatitig sa mga mata ng kaniyang panganay na anak.
Palihim namang tumatawa si Shantal sa tabi ng kaniyang Mama Lyn. Nang mapansin niyang nakatitig sa kaniya si Dustin ay agad niya itong kinindatan at tiningnan nang malagkit. Kitang-kita ang magandang hubog ng katawan ni Shantal sa suot niyang fitted gown.
Nagulat ang lahat nang biglang tumakbo si Celine palapit sa host para agawin ang microphone na hawak nito. Humihingal si Celine nang bigla siyang magsalita.
"I can't stay calm and quiet upon hearing those gossips about me. Gusto ko lang sabihin sa inyong lahat na hindi ko ginusto ang kasal na ito at hindi ako MUKHANG PERA gaya ng iniisip ninyo."
Napaawang ang bibig ni Dustin nang marinig ang sinabi ng kaniyang asawa. Hindi niya alam na pinag-uusapan na pala si Celine ng mga bisita nila.
"I married Dustin because I needed to. Kung anuman ang rason namin sa pagpapakasal namin, LABAS NA KAYO ROON."
Pumalakpak si Don Alexander sa sinabing iyon ng kaniyang manugang. Mababakas sa kaniyang mukha ang kasiyahan at pagmamalaki. Hindi siya nagkamali sa pagpili kay Celine.
Nanunubig naman ang mga mata nina Freya at Celestine sa sinabi ng kanilang kaibigan. Celine is hot-tempered at alam nilang hindi rin siya magpapa-api sa kung sinuman.
Nilapitan ni Dustin si Celine para agawin ang microphone ngunit nabigo siya. Nagmatigas si Celine at binigyan nang matatalim na titig si Saavedra.
"Kung NAIINGGIT kayo dahil ako ang pinakasalan ni Dustin Saavedra, wala na akong magagawa roon. I am so sad for you dahil WALANG GAMOT SA INGGIT. Alam niyo bang nakakamatay 'yon? Kaya mag-iingat kayo ha." Celine laughed after saying those words.
Pumalakpak naman sa tuwa sina Freya at Celestine.
"Go girl! 'Yan ang kaibigan namin palavarn!" sigaw ni Freya.
"Patunayan mo sa kanilang hindi ka nila basta-bastang matatapakan! Go Celine!" sigaw naman ni Celestine habang kumukuha ng red wine.
Magsasalita pa sana si Celine nang bigla siyang hinalikan ni Dustin. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa ginawa ng kaniyang asawa. Napatayo naman sa kani-kanilang upuan ang mga bisita at nagpalakpakan. Dumagundong naman ang malakas na tugtog sa bulwagan.
Itinutulak ni Celine si Dustin ngunit hindi siya makawala sa mga bisig nito. Tumagal ng halos tatlong minuto ang halik na iyon ni Dustin. Pareho silang halos naghahabol ng hininga matapos ang mainit na halik.
"What have you done? Hindi ba ang usapan natin, sa simbahan mo lang pwedeng gawin ang bagay na iyon?" reklamo ni Celine.
"I couldn't find a way to stop you so ..." Ngumiti nang nakakaloko si Dustin.
Hinampas siya ni Celine sa kaniyang braso at inirapan.
"Hindi mo ba nagustuhan Celine? Alam mo bang maraming babae ang pumipila mahalikan ko lang sila?" pagmamayabang na bulong ni Dustin.
"Alam mo Dustin, isa sa pinaka-kinatatakutan ko eh ang magkaroon ako ng AIDS or HIV dahil diyan sa kalibugan mo! Kung kani-kanino ka pumapatol. Basta yata may kipay sinusunggaban mo eh!" pang-aasar ni Celine.
Napahagalpak sa tawa si Dustin. Hindi niya akalaing ganoon pala talaga kadaldal at ka-showy ni Celine sa kaniyang nararamdaman at naiisip.
"Tonight, you will be mine ... whether you like or not," nang-aamok na usal ni Dustin.
"Subukan mo kung kaya mo," mayabang na tugon ni Celine.
Nagsimula na muling magsalita ang host ng wedding celebration nina Celine at Dustin. Habang masayang nag-aasaran ang bagong kasal ay hindi naman maipinta ang pagmumukha ni Shantal habang umiinom ng alak. Hindi niya napansin ang paglapit ng isang babae sa kaniyang pwesto dahil abala siya sa pagmamasid kina Celine at Dustin.
"You like that guy right?"
Napalingon si Shantal sa nagsalitang babae.
"And who are you?" masungit na tanong ni Shantal.
"I am Glydel and you are?"
Glydel extended her left hand para makipag shake hand kay Shantal at hindi naman siya nabigo.
"I am Shantal ... the bride's younger sister," pagpapakilala niya.
"If this wedding is not a product of love at kung ayaw din naman pala ng Ate Celine mo kay Saavedra, bakit hindi na lang ikaw ang ipinakasal ng mga magulang mo sa kaniya?" nagtatakang tanong ni Glydel.
Saglit na huminto si Shantal para mag-isip. Uminom muna siya ng isang lagok ng alak bago sagutin ang tanong ni Glydel.
"I am not their favorite child and I will never be," malungkot na sambit ni Shantal.
"Alam mo, naiintindihan kita dahil hindi rin kami close ng mga magulang ko that's why I am living on my own."
Humarap si Shantal kay Glydel at inaya niya itong umupo. Binigyan niya ito ng isang goblet at pagkatapos ay ipinagsalin niya ng alak.
"So, you also know how it feels ... to be ignored and to be a villain in your parents' eyes."
Tumango lang si Glydel sa sinabing iyon ni Shantal.
"So anong balak mo? Ipapaubaya mo na lang ba ang lalaking gusto mo sa kapatid mo?" Glydel queried.
"Masyado na akong nagpaubaya nang matagal na panahon kay Ate Celine. This time, hindi na ako papayag," wika ni Shantal at pagkatapos ay tumungga siya ng isang shot ng alak.
"You can easily get Dustin. Alam mo bang babaero siya and he loves to play with fire? He likes girls like you ... sexy, maganda at higit sa lahat HOT," udyok ni Glydel.
"Thank you for the compliments. Mas bata at mas sariwa ako kaysa kay Ate Celine so I'll take advantage of it."
"That's the spirit, Shantal! Wag kang papatalo sa ate mo. Show her what you've got." masayang sabi ni Glydel. "Anyway Shantal, I have to go. May meeting pa ako later eh. This is my calling card. Kapag kailangan mo ng kausap or kailangan mo ng tulong ko, don't hesitate to call me okay?"
Tumango lang si Shantal.
"Are we friends now?" pahabol na tanong ni Glydel bago tuluyang umalis.
"YES! Of course!" mabilis na sagot ni Shantal.
Nang makaalis si Glydel ay malagkit na tinitigan ni Shantal si Dustin. Hindi naman nagpatalo ang Casanova at lumaban ng titigan sa kaniya.
"You're so hot!" senyas ni Dustin kay Shantal.
Napangiti naman si Shantal at agad na umalis sa mesa para magpunta sa restroom. Nang makita siyang umalis ni Dustin ay agad siyang nagpaalam kay Celine.
"Wifey, punta lang akong restroom ha. I need to … alam mo na. Masyado na akong maraming nakain buhat pa kagabi," pagsisinungaling ni Dustin.
"Pati ba naman pagpunta sa banyo kailangan mo pang sabihin sa akin? You can freely go. I don't care. At saka anong tawag mo sa akin? Wifey? Masyadong millenial Dustin. Hindi bagay sa edad natin," ani Celine.
Nakangiting lumakad palayo kina Celine si Dustin. Nang makalayo-layo na siya ay kumaripas na siya ng takbo at baka hindi na niya abutan pa si Shantal. Sinigurado muna niyang walang nakasunod sa kaniya.
Abala ang lahat sa okasyon. Kalalabas lang ni Shantal sa restroom na tanging pamilya niya lamang ang pwedeng gumamit. Nagulat siya nang makitang tumatakbo palapit sa kaniya si Dustin.
"Wait Shantal! Huwag ka munang umalis," pakiusap nito.
Napangiti naman si Shantal nang makita niya ang effort ni Dustin. Babalik na sana siya sa assigned restroom para sa mga Jones nang bigla siyang hinila ni Dustin patungo sa restroom ng mga Saavedra. Agad niyang ikinandado ang pinto at idinikit ang kaniyang katawan sa sexy na si Shantal.
"Alam mo bang kanina pa kitang hinuhubaran sa isip ko?" mapang-akit na sambit ni Dustin.
Gumuhit ang isang matamis na ngiti sa mukha ni Shantal. Lalong lumitaw ang ganda niya nang makita ni Dustin ang kaniyang malalalim na dimples.
"Alam mo rin ba Dustin na kanina pa kitang pinagnanasaan? Kung pwede nga lang na agawin kita kay Ate Celine kanina nagawa ko na eh."
"You look so good, Shantal," bulong ni Dustin.
Dustin's whisper sent shivers on Shantal's body. Damang-dama niya ang mainit na hininga ng kaniyang in-law. Ang mabangong hininga ni Dustin ang siyang nag-udyok kay Shantal para halikan ito. She kissed him passionately habang sinasabunutan niya si Dustin. Agad namang lumaban sa kaniyang halik si Dustin. Kinagat pa ni Shantal ang labi ni Dustin dahil sa panggigigil.
"You are stubborn," mahinang saad ni Dustin.
Isinampa niya sa lababo si Shantal habang patuloy niyang hinahalikan ang dalaga. Her scent drove him crazy and her perfect body urged him to f**k her. Tila nama-magnet siya sa alindog ng kapatid ng kaniyang asawa.
Agresibo na ang paghalik ni Dustin dahil gigil na gigil na siya kay Shantal. Maya-maya pa ay naglakbay na ang kaniyang mga kamay sa malulusog na dibdib ng dalaga. Shantal moaned softly nang himasin ni Dustin ang kaniyang dalawang malalambot na dibdib. Ipinulupot niya ang kaniyang mga kamay sa leeg ni Saavedra habang abala si Dustin sa paghalik sa likod ng kaniyang tenga. Nang makarating sa leeg ni Shantal ang mga agresibong halik ni Dustin ay agad na napaungol ng malakas ang dalaga dahilan para sipsipin ni Dustin ang kaniyang leeg.
Hayok na hayok sila sa isa't isa na tila ba matagal na nilang gustong gawin ang bagay na iyon. Huhubaran na sana ni Dustin si Shantal nang makarinig siya ng papalapit na mga yabag. Agad niyang pinatago si Shantal sa may cubicle habang siya naman ay dali-daling lumabas ng restroom.
"Oh Dustin, bakit parang pinagpapawisan ka?" nagtatakang tanong ni Freya.
"Ano kasi ... natagalan bago ko mailabas." Napakamot sa kaniyang ulo si Dustin sa mga salitang lumabas sa kaniyang bibig dulot ng kaba.
Napatawa si Freya nang maalalang nagpaalam nga pala ito kay Celine para mag-cr.
"Pwede ba akong maki-ihi riyan? Alam kong para lang 'yan sa mga Saavedra pero kasi occupied na lahat ng cubicles doon sa kabilang restrooms eh. Kung pwede lang naman."
Naalala ni Dustin na nagtatago sa loob si Shantal kaya naman inakbayan niya si Freya at inihatid sa isa pang restroom kung saan ang pamilya lang ni Celine ang pwedeng gumamit.
"Dito ka na lang. Baka kasi maamoy mo pa 'yong masamang amoy doon." Ngumisi si Dustin sa best friend ng kaniyang asawa.
"Okay. Thank you Dustin! Siya nga pala hinahanap ka na ng iyong papa. Bumalik ka na raw doon at harapin mo ang inyong mga bisita."
"Sige. Thank you Freya. Anyway, mauna na ako sa'yo ha. Baka namimiss na ako ng misis ko," ani Dustin habang nagpupunas ng pawis.
"Sige." Napatingin si Freya sa pantalon ni Dustin. "Teka! Bakit ano ... bakit ..." nauutal na wika ni Freya.
"Ano 'yon, Freya?" Natigilan at napaisip si Dustin sa sasabihin ng dalaga.
"Nahihiya ako pero itatanong ko na ha. Bakit nakatayo 'yan?" Itinuro ni Freya ang bagay sa pagitan ng mga hita ni Dustin. Napatawa naman ng malakas si Dustin sa sinabi ni Freya.
"Don't worry hindi naman 'yan nangangagat." Dustin laughed maniacally while walking away.