"Sir, kumpleto na po ang mga agent." Bungad ni Arnel mula sa pinto ng aking opisina. "Tumawag na rin po kanina si Joey. Okay na rin daw po si Miss Cruz at nagpupumilit na rin daw pong umuwi, pero dahil po sa utos n'yo na 'wag munang palabasin nang hospital hangga't hindi pa po lubusang naghihilom ang sugat ay mariing pong tinutulan ni Dr. Mendez." Tumango ako habang napapailing at lihim na lamang napapatawa, dahil alam ko ang maaaring dahilan ni Miss Cruz kaya't nagpupumilit na itong lumabas nang hospital. Ang hospital bills. Hindi pa nito alam o ideya tungkol sa hospital bills nito. Wala na itong dapat pang gastusin ni singko sa mga oras at panahon na nakalagak ito sa hospital. Alam naman nitong kalahating porsyento lamang nang hospital bills ang babayaran ng mga ito o nang kahit sinon

