CHAPTER 6

1634 Words
NAGISING akong sa isang silid na purong puti ang pintura. At nang ilibot ko ang aking paningin ay saka ko lamang napagtanto na nasa loob ako ng isang silid sa loob nang hospital, base na rin sa nakikita kong mga kagamitan at ayos nang buong silid. Wala akong makita ni isang tao sa loob ng silid na ito, maliban lamang sa akin. Nasaan ako? A-Ano bang nangyari? Bakit nanghihina ako at masakit ang buong katawan ko. Pinilit kong bumangon upang hanapin ang aking bag. Hindi ko alam kung anong oras na, at hindi ko rin alam kung may alam ba ang aking mga kaibigan kung nasaan o anong nangyari sa akin, kaya't sa mga oras na ito ay isa lamang ang gusto kong gawin. Tawagan ang mga ito at makaalis na dito. Subalit bigla akong natigilan sa tangkang pagbangon nang gumuhit ang kirot sa aking kaliwang hita, kaya't mariin akong napangiwi kasabay nang mariin kong paghawak sa sapin ng kama. Mabilis kong inalis ang kumot na nakatabalot sa aking katawan upang tingnan ang aking kaliwang hita. At sa puntong iyon ay bigla akong natigilan nang bumungad sa akin ang aking hita na may nakabalot na benda. Napatulala ako at pinilit alalahanin ang mga nangyari. At sa puntong iyon ay malakas akong napasinghap nang tuluyan ko nang maaalala ang mga nangyari. Nagkaroon ng kaguluhan sa mall kung saan nandoon kaming dalawan ni Aira nang oras na iyon. Ngunit ang mga sumunod na nangyari ay hindi ko na namalayan pa dahil tuluyan na rin akong nawalan nang malay. S-Si Aira! Nasaan si Aira? D'yos ko! Sana okay lang naman ang babaeng 'yon. Muli kong iniikot ang aking paningin upang hanapin ang aking bag. At ganoon na lamang ang tuwa ko nang makita ko iyon sa mahabang couch sa kabilang side ng kama na aking hinihigaan. Pinilit kong bumangon at dahan-dahang bumaba mula sa kama. Muli akong napangiwi ng mukha nang muling kumirot ang aking kaliwang hita. Hindi ko rin alam kung ilang oras o araw akong walang malay. At kung ang pagbabasehan ay ang sakit na nararamdaman ko sa aking sugat at iisa lang ang ibig sabihin. Maaaring nasa 24 hours na rin akong walang malay o higit pa, at lumipas na ang anesthesia na itinurok sa akin dahil na rin sa muli ko nang nararamdaman ang sakit mula sa aking sugat. "Aahhh," mahina kong daing. Pagkatapos ay nagpakawala ako nang malalim na paghinga upang kahit paano ay mapagaan ko ang sakit na nararamdaman sa aking sugat. Subalit bago pa man ako tuluyang makalapit sa couch ay tuluyan na akong bumagsak sa sahig, dahil na rin sa magkahalong sakit at panghihinang bumanalot ngayon sa aking buong sistema. Hindi ko rin maiaalis ang bahagya kong pagkahilo. Mariin akong napakagat sa aking ibabang labi kasabay nang mga luhang umagos sa aking mga mata. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong nararamdaman ko ngayon kung bakit ganoon na lamang kabilis umalpas ang aking mga luha. Ngunit sa mga oras na ito, ay iisa lamang ang pumasok sa aking isipan. Ang tila pagiging miserable ko. Miserable dahil wala man lang akong mahingan ng tulong upang umalalay sa akin. Wala man lang akong kasama sa silid na ito at wala man lang ni isa ang gustong mag-alaga sa akin. Hindi ko naman puwedeng ipaalam sa aking mga magulang at ayaw ko ring ipaaalam pa talaga sa kanila dahil ayaw ko ring mag-alala pa ang mga ito sa akin. Pinilit kong muling bumangon kahit hirap na hirap ako. Ngunit bigla akong natigilan nang bumukas ang pinto ng silid at bumungad mula roon ang isang doktor. Pansin kong bigla itong nagulat nang makita akong nakasalampak sa sahig. At sa pagkakataong iyon ay mabilis itong lumapit sa akin at maingat akong binuhat pabalik sa aking kama. "Are you insane? Why do you have to get up? Alam mong kaoopera mo lang at mahina ka pa." Malamig at may halong galit na turan ng lalake, kasabay nang pagpindot nito sa emergency button na nasa uluhang katapat ng aking kama. Bumuntong hininga ito ay agad binalot ng kumot ang aking kamay na ngayon ay umaagos ang masaganang dugo. Hindi ko na rin pala namalayang nahugot na pala kanina ang IV na nakakabit sa aking kamay para sa swero. "K-Kunin ko lang po sana ang bag ko na nasa sopa, pero bigla po akong napaupo dahil sa panginginig ng mga tuhod ko." Sino ba naman kasing tanga ang naglagay ng bag ko sa upuang iyon. Puwede naman kasing sa lamesang nasa gilid na lang ng kama ilagay, eh. Ano't doon pa. Eh, ang layo-layo. Pansin ko ang muli nitong pagbuntong hininga habang nakatuon ang paningin sa aking kamay. Nakatitig lamang ako sa mukha nito at pinipilit masilayan ang kabuoan kahit na alam kong imposible dahil nakasuot ito ng fasemask at tanging mata lamang ang aking nakikita. Bumukas ang pinto ng aking silid, at sabay kaming napalingon doon. Bumungad ang isang nurse na agad ko namang namukhaan. Ngunit hindi ko pa rin alam ang pangalan nito, dahil na rin sa bago pa lamang ito at hindi ko pa rin nakakakwentuhan o nakakausap man lang. "Bring here a new IV cannula." Agad namang tumango ang nurse, pagkatapos ay mabilis na rin uling lumabas ng silid. Lihim akong natigilan at saka ko napagtanto na nandito ako sa hospital kung saan ako nagtatrabaho. Sa puntong iyon ay muli akong napalingon sa doktor at pinilit na kilalanin. Inisip ko kung sino sa mga doktor sa hospital na ito ang may pagkakapareho sa mga mata ng doktor na nasa aking harapan. Ngunit halos wala akong maisip kung sino ito sa mga doktor na nakilala dahil para bang ngayon ko lamang ito nakita o ang pares ng mga matang iyon. Kahit ang suot nitong doctor gown ay walang nakalagay na pangalan, kaya't lalo lamang akong tila nangapa sa dilim na makilala ito. "How are you feeling?" tanong nito na gumising sa aking diwa. Mabilis akong napaangat ng tingin sa mukha nito kasabay nang lihim kong paglunok nang biglang kumabog ang aking dibdib kasabay nang isang alaalang pumasok sa aking isipan. Ang alaala ng isang lalakeng nagligtas sa amin ni Aira sa loob nang mall. Ang lalakeng nagmamay-ari ng boses na kapareho nang boses ng doktor na nasa aking harapan. Boses na tila hindi na mawawala pa sa aking memorya dahil para bang ang boses na iyon ay sumasakop sa aking puso. Malamig at nakakatakot man ang boses nito, ngunit iba naman ang dating para sa akin. Dahil para bang hinalina ng boses na iyon ang aking kamalayan, kaya't hindi ko mapigilan ang malakas na pagkabog ng aking dibdib. "Take a rest." Sabay hawak nito sa aking likuran at balikat, saka ako nito inalalayang makahiga. "You can't leave the hospital yet because your wound is still healing, and you'll be here for a few weeks." Muli na naman akong natigilan nang muli itong magsalita at tila isa na akong robbot na nagiging sunod-sunuran na lamang sa mga gusto o sinasabi nito. Hindi ko na rin namalayang nakabalik na pala ang nurse at muli na ring naikabit ng doktor ang bagong IV sa aking kamay at muling naisaayos ang aking swero. Maging ang aking kumot at napalitan na rin nang malinis at wala na ang dating kumot na nalagyan ng aking dugo kanina. Bahagyang inalis ng doktor ang kumot na nakapatong sa aking katawan. At sa puntong iyon ay bigla akong nakaramdam nang pagkataranta, kaya't mabilis ko itong hinawakan sa kamay at mariing pinigilan. "'B-Bakit po? 'W-Wag po." Umiling ito at nagpatuloy pa rin sa pagtanggal ng aking kumot. "I'll just check your wound." "H-Ha? Ah— sige po." Saka ako napaiwas nang tingin dahil sa labis na pagkapahiya. Bakit ko ba kasi nalimutang may sugat nga pala ako sa parteng 'yon. Hayss! Kainis! "May private nurse akong ipapadala rito para mabantayan ka at magre-report sa akin kung hindi ka nagpapasaway." Saka nito muling ibinalik at inayos ang aking kumot. Napatango na lamang ako na parang isang batang munti habang nakatitig sa mga mata nito. At sa puntong iyon ay lalo lamang naghuramentado sa malakas na pagkabog ang aking puso. "S-Sino— I mean, a-ano pong pangalan n'yo? D-Doktor din po ba k-kayo sa hospital na 'to?" hindi ko na napigilan pang itanong dahil para bang lalo lamang akong lalala at hindi gagaling kung hindi ko iyon gagawin at hindi ko malalaman ang pangalan nito. Narinig ko ang mahina nitong pagngisi, kasabay nang pag-angat ng tingin nito sa akin, saka ako nito mariing tinitigan sa aking mga mata. "Call me Darryl. And don't ask any more questions." Darryl? Bago ka nga lang siguro sa hospital na 'to dahil ngayon ko lang narinig ang pangalan mo. Napaawang na lamang ang aking bibig, at wala nang iba pang salitang lumabas sa aking bibig. Napasunod na lamang ako rito nang tingin hanggang sa tuluyan na itong makalabas nang silid. Napabuntong hininga na ako nang muli na ring sumara ang pinto ng aking silid. Pagkatapos ay napatitig na lamang ako sa kesame habang napapaisip sa doktor na iyon. Ano'ng klaseng tao ka ba, Darryl! Bakit gan'on na lang ang epekto mo sa akin. At bakit para bang nag-aasam ako na sana ay ikaw rin ang lalakeng iyon na tumulong sa amin ni Aira sa loob ng mall. Bahagya akong napakagat sa aking ibabang labi kasabay nang marahan kong paghawak sa aking dibdib nang muli ko na namang naramdaman ang pagkabog ng aking puso dahil sa muli kong naalala ang sinabi sa akin ng lalakeng tumulong sa amin sa mall. "Close your eyes." Mga salitang tila ba nakaukit na sa aking isipan, maging ang ginawa ng lalakeng iyon sa akin noong oras na iyon. Ang ginawa nitong pagtakip sa aking mga mata habang nagpapakawala ito nang ilang mga putok ng baril. At hindi ko maitatangging para bang nakakaramdam ako ng kilig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD