CHAPTER 85 RIEUKA I was about to leave my office when another visitor came. Nagtataka kong sinundan ng tingin ang nakasimangot na si Akira. Tinaasan niya ako ng kilay. She looked at me and sighed heavily. Dire-diretso siyang naglakad papunta sa sofa hanggang sa makaupo siya rito. “I forgot to tell you something earlier,” panimula niya. “Can you tell it to me some other time? I really need to see Damien—“ Nanlaki ang kaniyang mga mata. Biglang tumayo si Akira at sumigaw nang, “No!” “Okay,” takot kong sabi. Dahan-dahan kong ibinaba ang bag ko sa sofa at umupo rito. Takot ko lang na baka kapag umalis ako ay kainin niya ako ng buhay. Nakahinga ng maluwag si Akira dahil sa aking ginawa. Muli siyang umupo sa sofa. “Here,” aniya pagkalagay ng isang paper bag sa aking harapan. Kinuha ko

