CHAPTER 78 RIEUKA Tapos na ang maliligayang araw ko. I’m back again in my boring life in this boring office. Napahikab ako. Kanina pa ako nakatulala sa iskrin ng aking kompyuter at kahit isang salita ay walang pumapasok sa aking utak. Ang aking katawan ay nandito sa Manila, pero ang utak ko ay naiwan ko ata sa Batangas. Bakit kaya kung kelan kababakasyon mo lang mas nakatatamad ang trabaho? Parang gusto ko na lang magbakasyon ulit. Napasimangot ako nang pumasok na naman si Abi sa aking opisina. Higit tatlong beses na siyang pabalik-balik dito. Mabuti sana kung magandang balita ang hatid niya ang kaso hindi naman. Puro trabaho lang ang alam niyang ibigay. “Ar.—“ “Ano na naman?” tanong ko sa iritang tono. Sa halip na matakot sa akin si Abi ay tinawanan niya lamang ako. “Ang ganda-g

