CHAPTER 74 RIEUKA Nagising ako sa tunog nang pagkatok sa aking kwarto. Sa halip na bumangon ay mas lalo kong ibinalot ang aking sarili ng kumot. Ang aga-aga pa nanggigising na at isa pa nandiyan naman si Akira. Morning person naman si Akira kaya kaya na niyang buksan ‘yan. Lumipas na ang ilang minuto ay hindi pa rin tumitigil ang pagkatok sa pintuan. Napabangon ako. Nakasimangot kong nilingon ang higaan ni Akira. Kumunot ang aking noo ng hindi ko makita si Akira sa kaniyang higaan. Nasaan kaya ang babaeng ‘yun? Labag sa loob akong bumangon para tignan kung sino ang kumakatok. Tumambad sa akin ang magandang mukha ni Kianna na may malaking ngiti sa kaniyang labi. Itinaas niya ang kaniyang kanang kamay. “Hi! Good morning, Rieuka,” bati niya. Nanlaki ang aking mga mata. “Hala, pasensiya

