CHAPTER 72 AKIRA Natigil ako sa pagkukwestiyon kay Rieuka nang may kumatok sa pintuan ng aming kwarto. “Ako na,” representa ko. Tumayo ako at naglakad patungo sa pintuan. Kumunot ang noo ko nang buksan ko ito. It was a petite woman about my age. She was wearing a simple white t-shirt and cream shorts paired with a nude sandal. She has foreign features with her white skin, pointed nose, and round eyes. Nginitian niya ako. “Hi, I’m Kianna.” Inilahad niya sa ‘kin ang kaniyang kanang kamay. Inabot ko ang kamay niya. “I’m—“ She cut me off and laughed. “You are Akira, right?” Naguguluhan akong tumango. Paano niya naman ako nakilala samantalang hindi ko siya kilala. Isa ba siya sa mga kliyente ko. Sana naman ay hindi dahil kung nagkataon ay nakakahiya na hindi ko siya natatandaan. “Aki

