KABANATA 22: Rooftop (SPG)

1520 Words

Third Person's POV Ilang minuto sila sa ganoong posisyon, hanggang sa maramdaman niyang tumigil nadin sa pag iyak ang dalaga, nakakapit parin ito sa kanyang damit, ramdam niya din ang pagkalma ng katawan nito. "Melody..o-ok kana ba?" Alanganin niyang tanong dito. Nag angat naman ito ng tingin sa kanya at agad na nagsalubong ang kanilang mga mata, malamlam parin ang mga mata nito at bakas padin ang pag iyak dito. "I'm fine.." Nabigla pa siya sa biglang pagtayo nito galing sa kandungan niya, sa hindi maipaliwanag na dahilan gusto niyang manatili ito sa bisig niya, pero alam niyang impossible iyon. Nakatalikod na ito sa kanya kaya hindi niya alam kung ano reaksyon nito ngayon. "Yung nakita mo kanina..wag mong ipagsasabi kahit kanino.." Naging malamig nadin ang pananalita nito ngayon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD