Nagsi-ingay ang mga kasamahan nila sa hall na 'yon dulot ng paghahanap nila ng kapareha. Samantalang si Georgina, hindi pa rin natitingnan kung sino ang nabunot niya. "Okay! Girls, isa-isa kayong pupunta dito sa harap malapit sa'kin saka ninyo sasabihin kung ano ang pangalan ng kaparehang nabunot ninyo. Maliwanag? Pagkatapos ay lahat ng pangalang babanggitin ay tataas ng kamay. Kaya kayong mga lalaki, kung gusto n'yong masalo ang mga itlog n'yo, aba agapan n'yo sa pagtaas ng kamay!" ani Junior. Tahimik lang at nakasuplada-look si Monique na nakikinig sa kanila. Nagsimula na nga ang mga babae at isa-isang pumunta sa harap. Unti-unti nang nababawasan ang mga walang kapares. Nang turn na ni Sandra ay papadyak-padyak pa siyang pumunta sa harap. Nanghihina at tila walang lakas na animo'y nata

