"MAGALING na ako, Binibini. Isama mo na ako sa Baguio!" pagpupumilit ni Juancho na akala mo ay isang batang paslit na ayaw isama ng kanyang nanay. "Ang kulit naman, Juancho. Hindi nga puwede. May mga benda ka pa, sasama nga tayo do'n para may aalalay kay Lola, sa lagay mong 'yan ay parang ikaw pa ang kakailangan ng alalay," sarkastikong sagot ni Georgina habang nag-e-empake ng mga damit na dadalhin niya sa Baguio. Halos panglamig lang lahat ng dinala niya. Baka kasi mabigla ito sa lamig doon. Ibang-iba sa init sa syudad. "Kaya ko naman, e!" pagmamaktol nito. "Hindi na nga sabi. Si Enzo na lang ang isasama ko. May kotse 'yon, makakatipid kami ni Lola," sagot ni Georgina na siyang nakapagpalungkot kay Juancho. T'wing nababanggit si Enzo ay hindi niya maiwasang mag-iba ng mood. Nawawala

