NATIGILAN si Monique sa kanyang mga narinig na ibinatong tanong ni Georgina. She was caught off guard. Hindi siya makagalaw. Bahagya siyang nanigas sa kinauupunan niya. Gusto niyang tumakbo ng mga oras na 'yon. Gusto niyang tumakbo at magpalunod na lang sa dagat. She didn't know what to say! Kung alam niya man, ayaw niyang sabihin dahil ikapapahiya niya 'yon. "Just answer her, Ma'am. Nang marinig niya mismo sa sarili niyang mga tenga na kayo na ni Juancho. Baka kasi, umaasa siya na may pag-asa pa sila. Like, duh?" ani Shella. Napalunok ng laway si Monique. The nerve of you Georgina! I'll kill you for this! Sa isipan ni Monique. "J-Juancho and I-I. . ." Nag-aabang ang lahat sa mga susunod niyang sabihin. Walang nagsasalita. Lahat ay naka-focus sa kanya. "W-Were—" Biglang napatayo si

