"Sis, bilisan mo. Kunan mo ng litrato itong dalawang 'to!" nagmamadaling wika ni Sandra sabay hagikhik dahil sa kanyang nakita. Magkayakap kasi sina Juancho at Enzo. Para talaga tuloy silang may bromance! "Nakakaasiwa, Sis. Sandali, natatawa ako!" ani Georgina habang pilit na pinipigilan ang kanyang pagtawa. Sunod-sunod nitong pinicturan ang dalawa habang wala silang kamalay-malay. "Ayan! Kapag nag-away sila, mayro'n na tayong pang-blackmail," natatawang sagot ni Sandra. Akma pang nag posing at wacky ito kasama ang dalawa. Tatawa-tawa pa ang dalawang dilag habang tinitingnan ang mga larawang kuha nila. "Hmmm, Georgina. My head is aching," reklamo ni Monique na tila kagigising lang. "Hanap mo 'yan, te. 'Wag kang magreklamo," mahinang bulong ni Sandra sabay irap. "Sshh! Tahimik. Ka

