Habang naglalakad sina Georgina sa hallway ay hindi nito maipaliwanag kung bakit tila nakaramdam siya ng kaba. Napalingo-lingo siya sa kanyang isipan habang hawak ang kamay ni Lola Ester. Tahimik lang siyang nakasunod sa matanda at hinihintay kung saan sila tutungo. "Lola, malayo pa po ba? Mukhang hinihingal na kayo, e." Puno ng pag-aalala ang mababakas sa maamong mukha ni Georgina. "Malapit na, hija. Aakyat na lang riyan, o." Sabay turo ng matanda kung saan sila aakyat. Nanlaki naman ang mga mata ng dalaga. Sa labas kasi ng building ng resort ay may matatanaw kang hagdanan paakyat sa tatlong palapag na gusaling iyon kung saan tumutuloy ang mga guests na nagse-stay-in. "Ho? S-sigurado po ba kayong aakyat kayo diyan?" hindi makapaniwalang tanong ng dalaga. "Sino naman ang nagsabi sa iy

