Maaliwalas ang panahon paggising ni Georgina. Nauna itong bumangon at binalingan ng tingin ang nakabaluktot na si Juancho sa sahig. Akala ko ba ay siya na ang magbubuhay-hari sa kama dahil sa pangba-blackmail niya sa'kin? Bakit parang mas pinipili na nitong matulog sa sahig mula noong nakaraan? Saka, anong oras kaya siyang nakauwi kagabi? Hindi ko manlang naramdaman. Ilan lamang sa mga tanong na naglalaro sa isipan niya. Naalala nito ang unang araw na nakasama niya si Juancho sa issang bahay. Noon lang ay nag-aaway pa silang dalawa kung sino ang hihiga sa kama. Ngayon, tuluyan nang nagpaubaya si Juancho. Tila nalusaw ang pagka-arogante nito. Walang work ngayon kaya't napagpasyahan ni Georgina na maghanda ng isang simpleng snack party sa bakuran ng apartment. Syempre, imbitado si Lola Este

