[ANASTASIA DIMAKATARUNGAN] "Go, Caleeeeb!" "Kyaaaaah! Sa 'kin mo i-shoot ang bola mo!" "Go, fafa Caleb! Kaya mo 'yan, fafa Caleeeb!" Buwisit. Nanatiling poker face ang mukha ko habang pinapanood ko ang laro ng team nila Caleb laban sa team na galing sa ibang school. Inaamin kong magaling si Caleb, ang pinupunto ko lang dito ay ang kalagayan niya. Hindi pa nga siya masyadong nakaka-recover sa nangyari sa kaniya kahapon pero heto naman siya, pinapagod ang sarili. Teka. Pansin kong parang hindi nakaka-shoot ng bola ngayon si Caleb. Hindi naman siya pagod, siguro kasi... ahm... hehe. Napalunok ako. Tumayo ako at inilagay ang magkabilang palad ko sa gilid ng aking mga labi, "Woooooh! Caleeeeeb!" hiyaw ko. Napalingon naman siya sa akin at masayang kumaway. Napangiwi ako. Hindi lang ate

