[ANASTASIA DIMAKATARUNGAN]
Naka-uwi na si Rod. Gabing-gabi na rin kaya ako na mismo ang nagpa-layas sa kaniya. May balak pa nga siyang matulog dito, eh. At dahil wala akong puso at kaluluwa (at boobs), pina-alis ko pa rin siya.
"Kuya, paano mo naging barkada si Rod?" tanong ko agad nang maka-uwi na 'yong lalaki.
Kumunot ang noo ni kuya. Tumigil siya sa pagla-lakad pabalik sa hapag-kainan saka humarap sa akin. "Malamang nagka-tanungan ng pangalan. Tanga naman nito," sabi niya tapos ay bigla siyang naging teary-eyed. "Doon naman nagsisimula ang lahat 'di ba? Sa pagkaka-tanungan ng pangalan? Tapos... iiwan ka rin pala sa huli," ma-dramang sambit niya saka yumuko para punasan kuno ang luha niya.
Tinitigan ko siya ng matalim saka ko siya kinurot sa tagiliran. Pero wala akong nakapa na laman---kundi buto. Buto niya mismo ang nakurot ko. At ang tigas ng buto niya, medyo tumabingi pa ang dulo ng kuko ko sa daliri.
Hindi ko pinansin masyado ang buto niya. "Isusumbong kita kay papa! May load ako pantawag sa Singapore! Kala mo, ah," pananakot ko.
Napa-tigil naman siya sa pagda-drama at agad na niyakap ako at inakbayan. Ginulo-g**o niya ang buhok ko.
Peke siyang tumawa. "Ito naman si Ana-pot. Jowk lang! Noong highschool ko pa iyon ka-barkada. Kalaro ko lagi sa Tetris. Bwisit nga 'yon, eh, parang sampu ang mata. Laging panalo sa laro!" kwento niya pa.
Sasabihin niya rin naman pala, eh. Saka... highschool pa lang daw siya? Ang tagal na pala? Bakit hindi ko alam?
Bigla akong napa-hikab. Nahagip ng mga mata ko ang orasan na naka-sabit sa pader.
Hala. Alas-onse na pala!
Patakbo akong nag-tungo sa hagdan. "Matutulog na 'ko. Tulog ka na rin, kuya! Wala kang mapapala sa kaka-dive mo sa internet!" paalam ko sabay akyat sa taas.
Na-abutan ko pa na nagba-basa ng libro si Caleb. Naka-sandal siya sa unan habang tutok na tutok ang mga mata niya sa libro.
Ano kayang libro 'yon? Humarap siya bigla sa 'king gawi.
Mukhang curious na naman siya sa bina-basa niya.
Pero... oh my gulay. Suot niya ang reading glasses ko. Mukha siyang nerd na f**k boy. Hehe.
Tumingala siya sa aking gawi at ngumiti. "Ana, what is a flogger?" inosenteng tanong niya pa.
Asus. Flogger? 'Yon lang pala, eh! Napaka-basic naman ng--teka--flogger ba... kamo? Sa b**m iyon ginagamit... ah?
Namutla ako at napa-tingin sa librong bina-basa niya.
A novel by EL James. Fifty Shades Of Grey.
Homayghad...
"A-anong binabasa mo?" kina-kabahang tanong ko. Nag-simula na akong pag-pawisan ng malamig. Namamawis na rin ang mga palad ko.
"Fifty Shades Of Grey, chapter 07, exactly," inosenteng sagot niya. Pero hindi na 'yata siya naka-pag-pigil kasi bigla siyang napa-ngisi ng mapang-asar!
"So... You like this kind of books, uh?" ngising tanong niya sabay sara ng libro at pakita sa akin ng cover no'n. Iwinagayway niya pa iyon sa ere.
Shet! Kinalkal niya ang drawer ko!
Mabilis ko siyang sinugod at pinag-ha-hampas.
"Huwag! Akin na 'yan!" hiyaw ko saka ko siya kinurot sa tiyan. Ngunit walang epekto dahil ang tigas ng tiyan niya. Hindi ko kayang kurutin!
Woah, kakaiba ang tigas ng tagiliran niya. Nakaka-turn-on. Iyong tagiliran ni kuya, hindi ko malaman kung maaawa ako o matatakot.
Nakaka-inis! Nakaka-inis!
Tawa siya nang tawa habang nilalayo niya sa kin ang libro ko. Tae!
"Ana... Anastasia Steel," ngiting-ngiting bulong niya.
Peste! Wala akong paki kahit asarin niya ako! Ayoko lang talaga mabahiran ng ka-anohan ang pagka-tao--- este, pagka-ipis niya!
Weh?
Oo na! Oo na! Naaasar na ako! Nakaka-hiya. Bakit ba kasi siya nangialam sa mga gamit ko? Bakit niya kinalkal ang drawer ko? Edi sana ay hindi niya 'to nakita.
Saka hindi naman sa akin ang librong iyan, eh. Hiniram ko lang sa kaklase ko noong highschool pa lang ako. Hindi ko na na-isauli kaya nandito pa rin sa akin! I thought normal na Adult Fiction lang iyan, b**m pala! Tapos ka-pangalan ko pa ang bida kaya naman... Wah!
Yinapos niya ang baiwang ko kaya na-punta ang libro na hawak niya sa likuran ko. Hindi ko abot, eh. At ang buwisit, mas lalo akong inasar.
He whispers, "Ana. Anastasia Dimakatarungan, I'm your own Christian Grey," may halong pang-aasar na sambit niya.
Napa-tigil ako. Doon ko napagtanto na naka-yapos pala siya sa 'kin. Naka-luhod ako sa pagitan niya at siya naman ay naka-tingala sa 'kin, naka-paskil sa maganda niyang mga labi ang nakaka-lokong ngiti.
Nakita ko ang pag-alon ng kaniyang Adam's apple. "It's mating season," nata-tawang pang-aasar niya na sa akin.
Ay, gano'n? Asaran ang gusto niya? Eh, ayaw ko ng asaran, eh! Gusto ko iyong bugbugan!
Naka-pag-titigan ako sa kaniya hanggang sa... Nandilim ang paningin ko.
"Walang hiya kang ipis ka!"
Malakas na umalingawngaw sa paligid ang pag-bagsak niya.
Binalibag ko siya sa sahig. Siniko ang kaniyang sikmura.
Hmp. 'Kala niya, ah.
*******
Umalingawngaw ang malakas na ingay bell sa paligid.
Tinago ko ang cellphone ko saka ako nag-inat mula rito sa kina-u-upuan ko.
Ay, bongga. Ayos na pala 'yong bell namin. Hindi na siya paos. Lunch break na!
Mabilis kong inayos ang mga gamit ko. Nasa Chemistry class ako ngayon at walang prof kaya puro pagre-research at f*******: lang ang ginagawa ko. Hindi ko rin kasama si Caleb. Na-i-iba kasi ang schedule niya sa 'kin.
"Pansin niyo rin ba? Lagi silang magkasama," dinig kong sambit ng isa ko pang kaklase. Tumigil ako at napa-taas ang kilay.
"Sabay pang umuwi at pumasok!"
"Ang daya!"
Heh. Mainggit kayo.
Napa-ngisi ako at napa-lingon sa tatlong babaeng nag-chichismisan, at sa harapan ko pa talaga. Natigilan sila at napa-tingin sa 'king gawi.
Hindi ko alam ang pangalan nila pero kilala ko sila sa mukha.
Che. Bahala sila riyan.
Tumayo ako kaagad saka takbo palabas.
Ang dami ko na yatang haters. Peymus na rin ako tulad ni Caleb--famous sa pamba-bash. But it's okay. Hindi ko naman ikakamatay iyon.
Pero teka, nasaan na nga ba si Caleb ngayon? Sa pagkaka-alam ko kasi ay... oh, s**t. Baka naligaw na naman siya!
Patakbo akong dumiretso sa room niya. Sa pagkaka-alam ko rin, Philippine History ang subject niya ngayon.
At sakto.
May kausap sa labas ang gaga. Babae. Okay lang sana kung 'yong babaeng kausap niya ay matino.
Kaso hindi, eh.
"Mas guwapo ka pala sa malapitan," sabi pa ng babae.
Ngumiti si Caleb. Lalo siyang gumwapo at naging ka-akit-akit sa paningin. At pustahan tayo, pinagnanasaan na siya ng babaeng 'yan. Napamura ako ng palihim.
Gyaaaa! 'Wag ang babaeng 'yan, Caleb! Hindi 'yan tao! Dedeng naglalakad 'yan!
"Antonio!" malakas na sigaw ko hindi kalayuan sa kanilang puwesto. Napa-lingon sa 'kin ang taong dede kaya naman bigla siyang napasimangot.
Well, sikat siya rito sa school. Queen kuno, eh. (Edi wow) Tapos malaki pa ang dyoga niya. Kaya hayun, daming lalaking nagha-habol sa kaniya dahil sa boobs niyang parang hangin lang ang laman. Hindi ko naman siya hate. Hindi niya rin naman kasalanang pinanganak siyang maganda ang future. Kaso, medyo ano ang attitude niya.
"Ana, hey," tawag sa akin ni Caleb. Mabilis siyang lumapit sa 'kin. Yumuko siya saka humalik siya sa pisngi ko, na siyang ikinagulat ko. Trip nito?
"Mauna ka na roon sa hagdan, Caleb," bulong ko sa kaniya.
Akala ko ay aangal siya. Pero himala, mabilis siyang tumango at umalis na para bang nag-ma-madali talaga siyang maka-takas.
Kasabay ng pag-alis ni Caleb ang nadinig kong pag-lagatok ng isang pares ng mga heels sa tiles na sahig.
Si Monick Stacey ang lumapit sa 'kin; iyong babaeng kausap ni Caleb kanina. Naka-pamewang siya at bahagyang naka-liyad. Pina-pag-pilitan niya talagang malaki ang s**o niya. Sus. Putukin ko 'yan, eh!
Pero sa kabilang banda, ang ganda talaga niya. Sexy pa. At kung dede ang pag-uusapan, talo ako. Talong-talo na talaga ako.
"So, you're his Ana, huh?"
"Oo. Hehe," sagot ko habang hindi ina-alis ang tingin ko sa mukha niya.
Ngumisi siya. Iyong malanding ngiti. Lumabas ang maganda niyang mga ngipin. "He's innocent, you know? But he's still a man, right?" maharot na tanong niya na tila ba pina-pa-mukha siya sa akin na maganda siya at wala akong laban.
Ngumiti ako at napi-pilitang tinitigan siya sa mga mata. "Ah, ge, sige. Sabi mo, eh. Paki ko sa 'yo," sabi ko saka mabilis na tumalikod.
Hindi ako mahilig makipag-away. Bahala siya sa buhay niya, aba.
Saka ang korni naman ng babaeng iyon. Para siyang tipikal na b***h kuno sa mga w*****d stories na naba-basa ko, 'yun bang taga-agaw ng leading man tapos sa ending, susugod siya sa mansion ng lalaki at mag-ma-maka-awa s'yang siya ang piliin ng lalaki. Tapos ang pipiliin naman ng lalaki ay iyong bidang babae. Kaya magagalit si b***h kuno at kikidnap-in niya ang bidang babae at--- okay, Ana. Kalma.
"Hey, Annie. You okay?"
Napa-tigil ako sa pagla-lakad at napa-lingon sa pinanggalingan ng boses.
Doon sa pader, nakasandal ang lalaking pinag-na-nasaan ng mga kababaihan ngayon dito sa school. Kung sa bagay, minsan lang naman kasi ito. Isang foreigner na hawt at pogi lang naman ang biglang sumulpot dito sa amin. Kahit sino ba naman, eh.
At ngayon ko mas lalong na-appreciate ang view. Ang gwapo niya. Sobra. Lalo na't parang model ang pose niya sa pader.
Hindi nga talaga siya tao. Lol.
Umalis siya sa pagka-ka-sandal sa pader. Lumapit siya sa 'kin at tumabi. "She's scary," naka-ngiwing bungad niya.
Huh? Scary? Si Monick? Oo, inaamin kong malantutay talaga ang babaeng iyon pero hindi naman nakaka-takot si Monick. Sa totoo nga lang ay maganda siya at mukhang anghel--na malaki ang dede. Mukha siyang anghel na p**n star.
"Her chest is so creepy! You know? They're big and... brrr. I don't know," aniya muli.
Luh. Pfft--
He's still a man pala, ha?
Creepy daw 'yung dyoga mo, teh! Hahaha!
Tinapik-tapik ko sa braso si Caleb habang natatawa ako, "Tama iyan, Caleb. Ipag-patuloy mo lang."
****
"Kapatid."
Kasalukuyang pa-akyat na sana ako sa 'king silid nang tawagin ako ni kuya. Naka-upo siya sa hapag-kainan habang nasa harapan niya naman ang kaniyang laptop.
"Bakit?" Lumapit ako sa kaniya. Pumwesto ako sa likuran niya para sana tingnan ang screen ng laptop niya, pero mabilis pa sa alas-quatrong isinara niya iyon.
Hala?
"Alam mo ba kung bakit nakapag-enroll agad si Caleb?" seryosong tanong niya. Na-intriga naman ako sa ka-seryoso-han niya kaya agad kong kinuha ang isang upuan mula sa ilalim ng lamesa at umupo roon.
"Bakit, kuya? Paano mo siya nagawan ng mga fake documents?"
"Gumamit ako ng identity ng taong patay na."
Napa-nganga ako dahil sa sinabi niya.
Gumamit siya ng ano? Ng identity ng taong patay na?!
Agad akong nag-panic. "Kuya naman! Legal pa ba 'yang ginagawa mo? Iyong pa-me-meke pa lang ng mga documents ni Caleb, delikado na, eh!" kabadong sambit ko.
Kunot-noong nilingon niya ako. "Sinong nagsabi sa 'yong peke ang mga documents ni Caleb?" tanong niya sa akin na siyang ikina-tigil ko.
Ha?
Anong ibig niyang sabihin?
Natatawang umiwas siya ng tingin sa akin. "Sabi ko, gumawa ako. Hindi ko naman sinabing pineke ko. Bad 'yun," aniya. Napa-iling siya at muling binuksan ang laptop niya.
Sinasabi niya bang bobo ako?
Akmang babasahin ko na sana ang naka-lagay sa isang tab, pero agad niya itong c-in-lose kaya hindi ko na nabasa pa.
"Kuya naman, eh," atungal ko.
"Controversial, Ana. Bawal makita ng iba. For Judiel's eyes only," patawa-tawang sabi niya.
Hindi na ako sumagot pa. Naka-titig lang ako sa kaniyang mukha. Nahi-hiwagaan tuloy ako. Hindi ko alam kung inaasar niya na naman ako. Kakaiba kasi nag kilos niya ngayon. Hindi normal kaya...
Ngunit biglang may nag-sink in sa utak ko...
"'Wag mo sabihing may alam ka sa identity ni Caleb?!" malakas na sigaw ko sa kaniya.
Nag-kibit-balikat siya. "Hindi ko kilala si Caleb," simpleng sagot niya.
"Kuya naman!" Na-hampas ko ang lamesa namin dahil sa sobrang frustration na nararamdaman ko.
Muli siyang humarap sa 'kin at ngumuso. "Seryoso ako. Hindi ko naman talaga kilala si Caleb--tayong dalawa-- hindi na 'tin siya kilala."
What?!
Ano bang sinasabi nitong kuya ko?!
Ayoko talaga kapag nagiging ganito siya. Marami siyang nalalaman pero hindi niya naman sinasabi sa akin lahat!
Tulad na lang ng: kung nasaan na ang mama namin ngayon, kung bakit nag-hiwalay si papa at si mama at marami pang iba!
Ni hindi ko nga alam kung anong trabaho niya at kung paano siya kumukuha ng pera!
"Ano ba kasi, kuya! Sabihin mo na para naman hindi ako magmukhang tanga!" asar na asik ko. Kaunti nalang at sasakalin ko na ito kapag hindi niya sinagot ang tanong ko.
"Hindi ko alam ang identity ni Caleb--hindi pa sa ngayon."
Oh.
"So, may chance na malalaman mo?" Bigla akong kumalma dahil sa sinabi niya. Tumango siya at nag-bukas ng isang software sa laptop niya. May mga tinipa siyang nga numero at mga letra na hindi ko naman ma-gets.
"Paano mo naman malalaman 'yon?" tanong ko muli.
"Trabaho ko iyon, Ana," seryosong sagot niya.
Trabaho? TRABAHO?!
Muli na naman akong nag-panic. "Anong klaseng trabaho?!"
"Hehe. Sa Hacker's Bay ako nagta-trabaho, Ana-pot. Isa iyong community. Nag-o-offer kami ng mga hacking services. Naka-pag-trabaho na rin ako sa Service Check kaya posibleng malaman ko ang basic info ni Caleb-- kung meron man siya."
Hindi maka-paniwalang tinitigan ko ang naka-ngusong si kuya habang mabilis na tumitipa siya sa keyboard ng kaniyang laptop. Chill na chill lamang siya at mukhang kusang gumagalaw ang mga kamay niya sa bawat letra at numerong tini-tipa niya. Hindi niya na nga tini-tingnan kung tama ba ang ginagawa niya.
I-Ito ang trabaho ni kuya? K-Kumikita siya ng pera rito sa bahay ng iyan lang ang trabaho niya?
Teka, ano nga ba iyong trabaho niya?
"Ano 'yong Service Check?" tanong ko, "Saka ano? Hacker's Bay? Iyon 'yong Rent-A-Hacker sa Deep Web, 'di ba?!"
Teka, kuwentong barbero lang yata itong si kuya, eh! Alam kong lagi siyang tambay sa Deep Web kasi alam kong hilig niya talaga ang mag-dive doon-- pero hindi ako maniniwalang nagta-trabaho siya roon!
Teka, legal ba 'yon? Waaah! Hindi ko alam!
"Matulog ka na, Ana," madiing utos niya sa akin kaya agad akong napa-tayo at napa-takbo patungo sa kuwarto ko.
Oo, kengkoy ang kuya ko. Oo, medyo boploks siya sa mga bagay-bagay.
Pero hindi ko ma-i-pag-kakailang tama si Caleb sa sinabi niyang genius si kuya. Matalino naman talaga iyon kahit na medyo babaliw-baliw. Pogi rin iyon kahit na medyo aaning-aning. Marami rin nagkaka-crush sa kaniya kahit medyo weird siya. Noon ngang nasa College siya ay pina-talsik siya sa unang school na pinasukan niya dahil nangialam siya sa data ng mga students doon. Lahat ng grades, burado. Naka-uno lahat. Ewan ko kung paano niya nagawa iyon. Basta sa pagkaka-tanda ko, dose anyos pa lang siya noon ay nagco-code na siya using Java and Python. Gumagawa siya ng mga apps at websites. Nag-tapos din siya ng c*m laude, at pag-tapos no'n, tambay na siya sa bahay.
Oo. Malaking tambay. Ang dami niyang napatunayan, pero tambay ang nais niya.
Pero totoo kaya iyong sinasabi niyang puwede niyang malaman ang identity ni Caleb? (Kung meron man?)
Pag-pasok ko sa kuwarto ko ay na-abutan kong naka-dapa si Caleb sa sahig. Parang may kina-kausap siya.
Nilapitan ko siya, at tama nga ako! May kausap siyang ipis!
"Caleb?"
Nilingon niya ako. "Oh, hey,"
"S-Sinong kausap mo riyan?"
"My girlfriend," Ngumiti siya sa akin. Tumayo siya at lumapit sa akin para hilahin ako patungo sa gawi no'ng ipis na kausap niya.
"Veronica, meet my friend Anastasia."
Nagta-takhang tinitigan ko ang ipis na naka-tambay sa sahig.
Ano raw? Veronica? Pangalan no'ng ipis ay Veronica?
Buwahahaha!
Napaka-angas!
Mabagal akong napa-palakpak.
At ano raw? Girlfriend niya iyang ipis?
Wow!
Bakit single ako? At iyong ipis, may love life?
****