[ANASTASIA DIMAKATARUNGAN] Tahimik na tinititigan ko ang mga babaeng naglalaro ng volleyball. Dapat ay kasama ako sa kanila, pero bawal ako ngayon. Sariwa pa kasi ang sugat ko sa pulso. Bubuka na naman ang tahi nito kung maglalaro ako. "Sabihin mo lang sa 'min kapag okay na ang pakiramdam mo," masuyong sambit ni Pres saka nginitian ako ng tipid. Tumango lang ako, matapos no'n ay umalis na siya at lumapit sa grupo nila Saica. Marahas akong napabuga ng hangin nang makaalis na si Pres. Alam ng lahat na suicidal ako. Alam ng lahat na lagi akong naglalaslas. Kaya lang naman ako sinali ni Pres sa grupo nila dahil magaling talaga akong maglaro ng volleyball. Sakitan kung sakitan at talagang malakas akong pumalo ng bola. Walang makapalag kapag ako na ang magse-serve. Mula sa gilid ng paningin

