Chapter 27

2271 Words

NAG-IWAS ito ng tingin. "Pero, nahuli ako. Hindi ko siya napigilan." Humigpit ang pagkakahawak niya sa envelop na inaabot nito. "Siya lang diba? N'ong mga panahon na 'yon alam kong hindi lang iisang tao ang pumasok sa kwartong pinagdalhan sa'kin." Kinabahan siya dahil hindi pa rin ito makatingin deritso sa kanyang mga mata. "Marami sila pero pakiramdam ko iisang tao lang ang gumalaw sa'kin. Diba?" Pilit niyang kinukumbense ang sarili. Nandoon pa rin ang pakiramdam ng mga pangyayaring 'yon, maraming boses ang narinig niya kaya't naguguluhan siya kung tama ba ang pakiramdam. Seryosong ibinalik nito ang tingin sa kanya. "Bakit parang hindi ka sigurado?" "Sigurado ako," diin niya. "Pero gusto kong makumpirma mula sa'yo. Si Syete lang diba?" Natatakot siya sa magiging sagot nito. Nagkibi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD