NASA IISANG BUBONG sila kasama ang pamilya Castillion, kasama niya rin na lumipat ay si Attorney Allegron. Nasa theater room silang lahat, pinapanood ang latest balita. Nakangisi ang magkakapatid pati ang kanilang ina habang pinapanood ang pag-aresto sa ama ni Maquir Spañano. Halatang gustong gusto ng mga ito ang naging resulta. Siya ay tahimik sa huling parte ng mga upuan. Masama man pero nagbubunyi din ang kalooban niya dahil unti unting nababawasan ang alalahanin niya. "Former Vice President Marquez Spañano, arestado sa salang pagpatay sa dating Gobernador Renaldo Moya." Sa mga nakikita niya ngayon, napatunayan niyang tunay na makapangyarihan ang pamilya ni Syete. Ang sinumang babangga dito ay hinding hindi magtatagumpay. Hindi nagbago ang pakikitungo sa kanya ng pamilya. Kahit n

