My heart races when the edge of his lip is lifted. Alam kong may meaning ang sinabi niya. So naaalala niya kung sino ako? Alam niyang ako ngayon si Sonata at hindi si Soledad? Oh, come on, Sonata, dream on! Sa tagal ng panahon at sa laki ng pinagbago mo napaka-impossible na maalala ka pa niya. And no one can tell the difference between me and Soledad aside from our parents and brother. Even our cousins cannot tell who's who if we dress identically. At hindi ko rin gugustuhin na maalala niya ako. Matagal nang patay ang Sonata na nakilala niya. I faked a smile. "It's me." Tinignan ko ang wrist watch ko. Bakit hindi pa rin tumatawag si Soledad? Gusto ko nang makaalis sa room na to. Baka tuluyang mapigtas ang pasensya ko at sagot sagutin ko pa ang professor niya. "Come forward, Ms. Cas

