Tuluyang nagpantig ang kanyang tenga at hindi na napigilan ang galit. Masama ang tingin na humarap siya dito at itinaas ang kanyang mga kamao. "Kanina ka pa, ano suntukan nalang tayo? Para kalas kalas na 'to." Magkahiwalay ang kanyang mga paa at nauuna ang kanan, nakapwesto na para makipagbasag ulo. Lumapit siya dito habang ito ay nakatayo lamang at nakatingin sa kanya. Hinding hindi ako papayag na hindi makagante sa kanya, bulong niya sa sarili. Hindi ito lumaban pero inis na inis pa rin siya. Sa labis na galit ay naging mabilis ang kanyang galaw at hindi nito napaghandaan ang sunod niyang hakbang. Dahil tanging Hawaiian short lang ang suot nito ay madali niyang nadakpa ang umbok ng p*********i nito. Napahiyaw ang lalaki samantalang siya ay nagkikiskisan pa rin ang mga ngipin sa sobran

