MEGHAN's POV Nagising ako ng maaga. Dali-dali akong bumangon para mag-ayos ng sarili kahit na wala naman akong pupuntahan. Mabuti na lang at pinahiram ako ni Manang ng laptop ni Sapphire dito. Kailngan ko itong gamitin para maisagaw ang plano ko. Kailangan kong manmanan lahat ng kilos ni Gov. Pati na rin ang mga nagsampa ng kaso sa kaniya noon. Posibleng nagsasabi sila ng totoo na pinagnasahan sila ni Gov. Mula ng mangyari ito, gusto ko makamit ang hustisya. Kapag mahirap ka, talo ka. Kaya nagpasiy na akong gagawin ko ang makakaya ko para makulong si Gov at pagbayaran niya ang mga kasalanan niya. Pangatlong tawag ko na ito kay Sapp. Pero hindi niya pa rin sinasagot. Kahapon rin naputol na lang bigla ang line niya. Hindi ko naman iniisip na may masamang nangyari dahil kasama niya ang pam

