Chapter 2

1206 Words
Unti-unting iminulat ni Jessebel Faustino ang kanyang mga mata. Medyo disoriented pa siya at napatingin sa kanyang paligid habang marahang tumihaya sa pagkakahiga. Hindi ito ang kuwarto niya. Nasa kaliwang bahagi niya ang bintana sa halip na sa kanan at hindi rin ganito kalaki o kakumportable ang higaan niya. Umunat siya at biglang nanigas ang kanyang katawan nang may naramdaman siyang kakaiba. Masakit ang sentrong parte ng kanyang katawan. Nandilat ang mga mata niya. “Oh, my God!” nasambit niya. Kasunod niyon ay isang litanya ng mura nang madiskubreng hubad siya at may nakita siyang mantsa ng dugo sa puting kubre-kama. Napasapo siya sa kanyang noo. Bumaba siya ng kama nang nakatapis ng kumot at hindi malaman ang gagawin. Umupo siya sa edge ng kama at pinilit na pakalmahin ang sarili upang maalala ang nangyari kagabi. “Dahil nakapasa ang bunso natin sa board exam at nai-secure na niya ang posisyon sa Mason Constructions, she is definitely the star tonight!” saad ni Danielle sabay taas ng kopita nitong may lamang pulang alak. Maganda ang ngiti ng mestisang may maikling buhok. Isa ito sa mga sorority sisters niya sa kolehiyo at kaibigan din. Pero mas matanda ito sa kanya ng dalawang taon. Anak ito ng may-ari ng hotel na kinaroroonan nila ngayon para mag-celebrate sa kanyang achievement. Masaya ito para sa kanya kaya naman ay nagpatawag ito ng party sa may penthouse para sa kanilang magkabarkada. Kasama nila ngayon sina Lena, Katie, at Shelby. Sa kanilang lima ay siya ang pinakabata na ngayo’y bente y dos anyos. Itinaas din nila ang kani-kanyang kopita at sabay na tinungga iyon. Inubos lahat. “Dahil diyan, magiging unforgettable ang gabing ito para sa ‘yo, dear,” excited na sabi ni Shelby. Sa kanilang lima ay ito ang pinakamaganda at pinakahaliparot. “Mamaya na ‘yang nasa utak mo, Shelby. Mamaya ka na magtawag ng mga guys kung gusto mo. Mag-enjoy muna tayo nang tayo lang,” kalmanteng sabi ni Lena na siyang palaging neutral. Nagkuwentuhan sila habang nag-iinuman at nagsasayawan sa tugtog ng tumatayong DJ na si Katie. Tipsy na si Jesse kaya tumigil siya sa pagsasayaw para umupo sa kanyang puwesto kanina. Sumunod na umupo sa tabi niya si Danielle. Niyakap siya nito sa leeg at hinalikan sa pisngi. “Um-mwah!” sabay na anito. “Girls, naalala n’yo pa ba ‘yong dare natin minsan kay Jesse?” baling nito sa tatlo nilang kaibigan. Lumapit ang mga ito sa kanila nang isa-isa. Nagkatawanan ang mga ito. Kahit siya ay napatawa na rin nang naiiling. Ang mga ito ang dahilan kung bakit may lotus tattoo siya sa kanang balikat. Pinagawa ito noong first year siya nang gusto niyang sumali sa sorority. Nahirapan pa siyang mag-decide kung ano ang tattoo ang pipiliin niya nang binigyan siya ng ideya ni Lena dahil sa pendant niya. Bigay ito ng namayapa niyang ama. Isang baul din ang scolding na inabot niya sa kanyang ina dahil sa pagpa-tattoo. Pero wala naman na itong magagawa kasi tapos na. “Alam n’yo namang kahit ano pa ‘yang dare n’yo, gagawin ko talaga. Kaya never n’yo akong ide-dare na magpakamatay. Baka gagawin ko ‘yon,” pabirong sabi niya. Tinungga niya ang laman ng hawak na kopita at dinagdagan iyon ni Katie. The half-black, half-Pinay and music lover chuckled. “Uy, grabe ka naman. Hindi tayo aabot doon. We’re not mental,” sabi ni Danielle. May iniabot ito kay Shelby at dahil sa medyo nahihilo siya ay hindi na niya pinansin kung ano iyon. Lingid sa kanya ay may inihalo si Shelby sa kanyang wine. “Last dare mo na ‘to bilang Zeta Chi Gamma sorority sisters nating grumaduate,” ang sabi ni Danielle. “O, Shelby, ano’ng naisip mong dare para sa bunso natin, ha?” Napatawa ito. “I took the liberty of checking out all your hotel guests,” sabi nitong inilabas ang isang printed copy nang nakangisi kay Danielle. Napalingon siya ritong napamangha. “Pa’no mo nagawa ‘yan?” Saka napabaling siya kay Danielle. “You can just imagine kung ano ang ginawa niyang effort para makuha ‘yan. Wala akong kinalaman diyan,” tugon ni Danielle na may panunudyo sa mga mata. Makahulugan. Medyo pinalandi rin. Oo nga naman. Sigurado siyang ginamit ni Shelby ang ganda at katawan nito para makuha iyon. Pero hindi niya maisip kung anong level. First base o second base o kaya naman ay third base. Kahit ganito ito ay unpredictable din paminsan-minsan ang kaibigan. “Oo nga naman. I-imagine-nin na lang natin,” ani Lena. Sabay silang humagikhik. Pero ngumiti lang nang matamis si Shelby at ipinakita kay Jesse ang naka-highlight sa listahan ng mga guests sa hotel. “Room 368?” aniya rito bago iniinom ang laman ng kopita na hawak niya. Pero kalahati lang ang ininom niya. “Ano ang gagawin ko roon? May nanakawin?” Napatawa ang sorority sisters niya. “Akala mo ba ‘yon ang naisip ni Shelby?” anang Katie na pinisil ang ilong niya. “Hay, siyempre hindi,” dagdag ni Lena. Pinaypay niya ang sarili. Bakit ba bigla siyang nakaramdam ng kakaibang init sa katawan? Parang gusto na niyang maghubad. Naisip na lang niya ay dahil iyon sa wine na iniinom. Naparami na yata kaysa usual niya. Hindi na nga niya matandaan kung ilang kopita na ang nainom niya. “You have to lose your virginity to a stranger tonight. As in a complete stranger! Huwag mo siyang tingnan sa mukha. Huwag mo siyang tanungin sa pangalan niya. Just do it!” hamon ni Shelby. Namangha siya sa sinabi nito. Pati na sina Lena. Pero mukhang hindi nasorpresa sina Katie at Danielle. Naghihintay ang mga ito sa kanyang reaksyon. At saka napatawa siya nang malakas na parang baliw. Pero tumigil din nang walang nakitawa sa kanya. “Are you serious?” hinging kompirmasyon niya kay Shelby. “Yup!” sabi nitong kumibit at itiniklop ang listahan. “What if I won’t do it?” “I’m sure you will. You don’t back out from a dare, Jesse dear!” paninigurado ni Shelby. “That’s what I love about you!” Napatingin siya rito nang seryoso. Will the guy do it with her? But could she do it if he would? But it seemed that her body is screaming something odd… that she had to do it. Or else, she would burst like flames. Hindi niya alam kung bakit ganito na lang ang nararamdaman niya. The mere thought of losing her virginity seemed to excite her—her body. It was weird, if she would think about it rationally. She never felt like this before. Maybe it was just the alcohol doing something with her hormones. Napalunok siya. Inagaw niya ang listahan at isinuksok sa loob ng bulsa ng kanyang maong skirt. Baka makalimutan niya kasi ang room number lalo na’t medyo feeling niya foggy na ang isip niya nang hindi niya maunawaan. Tumayo na siya. “Kailangan ko ng keycard, Danielle,” napalingong aniya sa pixie-haired friend. “Coming right up,” ngising tugon ni Danielle. Inangat nito ang telepono at may kinausap sa lobby. Lumapit sa kanya si Lena na may pag-aalala sa mukha. “Oy, Jesse. Okay ka lang ba? Bakit mo gagawin ang dare na ‘to, ha? Alam naman nating loka-loka ‘yang si Shelby.” “Ipapakita ko sa inyo kung ano ang kaya kong gawin para sa sisterhood natin,” tugon niya kay Lena na hinawakan ito sa balikat. “No, you shouldn’t. It doesn’t even make sense. We already know what you can do, Jesse,” anitong napailing. Hindi talaga ito sumang-ayon sa desisyon niya at nakasalamin pa rin ang pag-aalala sa mga tsinitang matang nakatingin sa kanya. “Kung hindi mo kaya, just scream,” tudyo ni Shelby, sabay tikwas ng mahaba nitong buhok. She wore an evil grin on her painted red lips.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD