Chapter 25 Past Ilang linggo ang lumipas at ganon pa rin ang nangyayari samin ni Aiden. Minsan nalang nga kami nag-uusap kapag tinatanong ko siya kung anong pinagkaka-abalahan niya lagi niya nalang sinasabi na pagod siya kaya pinagbibigyan ko nalang din. Ngayon, nandito ako sa kwarto namin at ka video call ko si Cathy, buti nalang free time niya ngayon. "Hindi pa ba kayo nagkaka-ayos?" Tanong naman ni Cathy. "Hindi naman kami nag-away." I said. Umiling naman si Cathy. "Eh anong tawag diyan? Naglalaro kayo ng bahay-bahayan tapos kunwari nag-away kayo?" "Hindi naman talaga kami nag-away. Para sakin, wala naman away na naganap." Pagpapaliwanag ko. "So bigla nalang siyang naging cold ganon?" Tanong niya, tumango lang ako. "Tanungin mo na." Wika niya sakin. Ngumiti naman ako ng map

