Chapter 18 Proposal Sabay na kami ngayong dumating sa opisina ni Aiden. Well kung sabay kami dati pero nauuna siya ng konti ng lakad sakin ngayon naman nakahawak na siya sa beywang ko. Nang makarating na ako sa pwesto ko. Tumigil din naman siya. "When you have time reply to my messages, okay?" Nakangiting wika niya. Tumango ako. "Don't forget to text me." Ma-awtoridad na wika niya. I chuckled. "Opo na po. Sir Matteo." Pang-aasar ko. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "Baby is much better than Sir Matteo." Deretsong wika nito. Napatikhim si Cathy na nasa gilid namin. "Sorry po. Nilalanggam lang ako." Nakangiwing biro niya. Natawa ako. "Sige na pumasok kana." I said. Tumango naman siya and he gave me a quick soft kiss. Pumasok na siya sa opisina niya at umupo ako sa swivel ch

