Chapter 20 Again Mabilis lumipas ang mga araw at ilang araw nalang ay kasal nanamin. Si Cathy syempre ang ginawa kong maid of honor. Nagtaka si Aiden dahil hindi si Bea, dinahilan ko na siya na din ang maid of honor sa una naming kasal kaya mas ayos na rin na si Cathy ang ngayon dahil siya ang aking tunay na kaibigan dito sa tunay na kasal. Nag send na din kami ng mga invitations. Bride's maid din naman si Bea kaya hindi na rin nagtaka pa si Aiden. Nakuwento ko na rin kay Ate ang nangyari samin ni Aiden at masaya raw siya. The other me was sad because me and my ate's dream wedding ay maging maid of honor ng bawat isa. Kaso hindi nangyari, masaya na din naman ako na si Cathy ang maid of honor ko dahil tinuring ko na din siyang kapatid. Today is Wednesday. Sa Saturday na kaagad ang we

