ikaw 12

1767 Words
continuation Part8 "ikaw" Habang kumakain siya tinawagan nya si mayet. Mayet: hello! Marc: ate bakit ang dami mong missed call? Mayet: oo nga eh di mo naman sinasagot. Marc: paano ko sagutin eh tulog ako haha. Mayet: maghapon kang tulog? Marc: umaga na kasi ako nakauwi hehe. Mayet: saan ka ba nagpunta? Marc: kasama ko sila greg. Mayet: ah kaya pala. Marc: nasaan ba kayo ate?. Mayet: nasa bahay na , pumunta kami kanina sa bayan tinatawagan kita para gawin kang driver haha. Marc: ganun haha bodyguard na driver pa?.? Mayet: ganun na nga ? Marc: sino nagdrive ate? Mayet: si lester ang kaibigan ni greg. buti nga nagising eh .. wala kasi si james dito. natahimik siya sa narinig kay mayet . Mayet: nandyan ka pa ba? Marc: opo ate hehe Mayet: akala ko nawalan na ako signal. Marc: sinong kasama mo teh umalis kanina.? Mayet: eh di ang mga pasaway. Marc: sumama din si michelle? Mayet: oo sya pa nga nauna haha Marc:talaga lang ha. Mayet: bakit? Marc: wala naman. Mayet: di ka ba pupunta dito? Marc: mamaya ate. Habang kausap si mayet narinig niya sa kabilang linya na may nagtatawanan kaya tinanong nya ito Marc: ano yon ate bakit maingay? Mayet: tinatawanan nila si michelle at macmac kasi nanungkit ng mangga isang maliit na piraso ang nakuha haha? Marc: haha ganun! Mayet: ayun nga oh umakyat si lester sa puno kinuhaan sila. Uminit ang tenga niya ng marinig ang sinabi ni mayet Marc: sino kinuhaan nya teh? Mayet: eh di sino pa si mich at macmac. Marc: bakit? Mayet: anong bakit? syempre gusto nila kumain ng mangga sige na punta ka na dito. tinawag ako ni mama marc .. bye na ha. Marc: ok teh. Parang may iba siyang naramdaman sa mga sinabi ni mayet kaya tinawagan nya si mang edgar na katiwala ng papa nya sa manggahan nila para kausapin na magdala ng mangga sa bahay nila mayet kahit medyo may kalayuan wala na syang pakialam Lumapit ang lola nya sa kanya. Lola: apo, bakit parang di maipenta yang mukha mo anong nangyari sayo? Marc: wala la masakit lang ulo ko. Lola: ito pala ang gamot inumin mo muna Marc: salamat la. Lola: pupunta ka ba mamaya sa kanila ate mo mayet: Marc: di ko alam la bakit po la? lola: wala naman. Marc: baka mamaya la pero di po ako sigurado Lola: magpahinga ka nalang muna bukas kana pumunta doon. Marc:sige po la . Lola: sige dito ka muna ha. Marc: salamat po la sa gamot ha. Lola: ok apo basta magpahinga ka muna. pagkatapos nyang kumain nagpahinga muna sya dahil masakit talaga ang kanyanh ulo at lalong nadagdagan sa sinabi ni mayet. Makalipas ang dalawang oras... Habang nakahiga siya sa kama tinawagan niya si mayet at Ilang beses na siyang tumatawag hindi sinasagot nito Marc: oh s**t! sagutin nyo naman.! Di pa rin sinagot at nag dial siya ulit may sumagot na at nagulat siya ng marinig ang boses ng sumagot. . mich: hello! natahimik siya ng bigla nyang narinig ang boses ng dalaga at si michelle naman sa sobrang pagmamadali na masagot ang tumatawag di na nya natingnan kung sino ang tumatawag. Mich: hello! di naman sumasagot nakakaloka. ilang segundo nakalipas at nagsalita siya Marc: hello! bakit ikaw sumagot ng phone ni ate mayet? Mich: ah ang baliw pala hehe wala dito si ate mayet pumunta sila ng palengke. Marc: sinong kasama nya. gabi na namalengke pa. Mich: di naman sila namalengke may sinundo lang doon. Marc: sinong kasama nya? Mich: silang apat ni ate cora lily at janice Marc: eh ikaw bakit di ka sumama? Mich: tinatamad ako. nagpaiwan nalang ako dito. Marc: eh sinong kasama mo dyan? Mich:marami naman tao dito nandito naman sila ni greg di sila gumala. Nadagdagan ang init ng ulo niya sa sinabi nito, ang ibig sabihin nandoon din si lester at siya nandoon rin at mag isa lang siya. Marc: nasaan ka ba ngayon? Mich: nandito nga sa bahay.? hala sya parang imbestigador lang.. Marc: nasa labas ka ba? Mich :sa loob bakit ba? Marc: eh nasaan sila ni greg? Mich: nasa sala sila nanonood ng tv . gusto mo bang kausapin? Marc: hindi. Mich: bakit ka nagtatanong? Haha Marc: wag mong ibaba ha sandali lang. kinausap muna nya si mich habang wala sila mayet. Marc: nasa sala ka din ba? Mich: oo nga nanood ng tv. Marc: pumasok ka nga muna ng kwarto di ko marinig eh ang ingay. Nagkunwari na maingay daw pero sinadya talaga nya na papasukin si mich sa kwarto dahil alam nya na nandoon si lester sa sala. Mich: di naman maingay dito eh. Marc: pumasok ka na nga lang !. Mich: ibaba ko nalang kaya! Marc: subukan mong ibaba!. Mich: galit?? ano bang problema mo??? Marc: kasi sabi ng pumasok ka ng kwarto! Mich: sige na nga! bakit ba kasi.? Marc: nasaan ka na? Mich: nasa sala pa. sandali lang haha ano ba nangyayari?? Marc: kanina pa eh! Mich: ito na po boss! nasa kwarto na po ako boss! ano pa po boss ang iutos nyo po! Napatawa si marc sa boses at sa mga sinasbi nya. Marc: buti naman at sumunod ka haha. Mich: baliw ka talaga! bakit ba? anong meron? Marc: di ko kasi marinig ang sinasabi mo. Mich: naririnig mo na ba? Marc: ok na basta wag kang lumabas. Mich: grabe sya.!? Marc: saan pala kayo pumunta kanina? Mich: ah doon sa bayan. Marc: sinong kasama nyo? Mich : kami lang . di ka ba tinawagan ni ate mayet? Marc: tumawag nga sya di ko nasagot tulog ako eh. Mich: ah kaya pala. wala tuloy kaming driver at bodyguard haha. Marc: meron naman daw ah si lester. Mich: oo nga pala hehe Marc: tuwang tuwa siya! Mich: alangan naman... eh nasaan ka pala? Napangiti si marc sa tanong niya Marc: nandito sa bahay nila lola. Mich: ah ok. Marc: di ako pinaalis eh. Mich: bakit naman ?haha. Marc: masakit kasi ulo ko . Mich: ha? bakit anong nangyari sayo? Marc: basta sumakit lang siya. Di nya sinabi na inumaga na sila sa plaza at nakainom pa. Mich: uminom ka na ba ng gamot? Marc: di pa nga eh. ( kahit nakainom na) Kahit papaano nag alala din si michelle sa kanya Mich: ha? bakit di ka pa uminom ng gamot? tuwang tuwa siya sa reaksyon ni mich kaya nabawasan ang init ng kanyang ulo Marc: mamaya na. Mich: uminom ka na at matulog . Marc: mamaya na kausap pa nga kita eh. Mich: eh di ibaba ko na. Marc: mamaya na nga! ang kulit mo! Mich: hala sya haha ako pa ang makulit? Marc: tawa ka dyan! Mich: matulog ka na kasi para mawala ang sakit ng ulo mo. Marc: mamaya. Mich: hay naku!. Ok sige ikaw bahala. Marc: hay naku din. Mich: baliw lang? Marc: ikaw ? Mich: ang sakit kaya ng kamay ko. Marc: bakit? anong nangyari sa kamay mo? Mich: dahil sa panungkit ng mangga hehe Marc: yan kasi parang di nakakain ng mangga. Mich: haha di naman talaga Marc: nanungkit kayo eh wala naman bunga ang mangga nila dyan. Mich: meron kaya. umakyat nga si lester kanina. Marc: magaling! Mich: magaling nga haha Marc: bakit di ka nagsabi na gusto mong kumain ng mangga.? Mich: naisipan lang kanina at si macmac kasi nanungkit di naman nya maabot kaya tinulungan ko siya. ayun nakakuha kami ,sobrang laki haha Marc: di ka naman kasi marunong. Mich: di nga eh. Marc: bukas dalhan kita ng mangga baka di mo maubos . Mich: weehh di nga? Marc: oo nga .ayaw mo ba?? Mich: syempre gusto mangga na yan eh haha. Marc: ayun pala eh. Mich: saan ka bibili? isama mo kami? Marc: wag na makulit ka eh.! Mich: grabe sya. Ako pa ang makulit buti nga kinausap pa kita eh. Marc: haha, ikaw kagabi tinulugan mo kami. Mich: diko nga namalayan nakatulog ako Marc: napikon ka lang! Mich: nakakainis ka kasi ! Marc: para yon lang eh. Mich: para sayo yon lang. eh sa akin naiinis ako eh! Marc: kaya ka napikon? Haha Mich: hindi noh. Marc: pikon ka lang. Mich: ikaw kaya ang pikon. lumabas si mich para kumuha ng tubig habang nag uusap sila Marc: lumabas ka ba? bakit maingay? Mich: kumuha lang akong tubig. Narinig nya na may kausap si mich. Mich: wala pa! ( sabay tawa sa kausap) Marc: sinong kausap mo? Mich: ah si lester may tinanong lang Marc: anong tinanong? Mich. hay wala yon! Marc: ano nga eh? Mich: nagtanong sya kung kumain na sila greg kasi siya nakatulog pala. Marc: pumasok ka na nga sa kwarto kasi di ko marinig!. tumaas ang boses niya Mich: galit ka haha? Marc: tawa ka pa di ko nga marinig. Mich: di mo ba marinig eh sumasagot ka naman?? Marc: nasaan ka na ba? Mich: nandito na nga sa kwarto nakakainis ka ! Marc: sabi ng wag lumabas ! Mich: nauuhaw ako eh ang arte mo! Marc: ano yan ? lowbat na ba ang cp bakit may tumutunog? Tiningnan ni mich ang cp at battery low na nga. Mich: battery low na nga. sige na matulog ka na. Marc: e charge mo . Mich: di ko alam saan ang charger nila. Marc: di mo alam o ayaw mo lang e charge Mich: haha grabe ka ha. Marc: kita mo na tumawa lang. Mich: di ko naman talaga alam eh. Marc: hanapin mo! pag yan na mamatay lagot ka sa akin bukas. Mich: weeh, sige na matulog ka nalang dyan. Marc: ayoko!charge mo sabi eh. Mich: oo na sandali! Hay naku! Ano ba namang buhay to oh!??. Marc: ano yon? Mich: wala! Sabi ko ang bait mo hehe. Marc: haha? Natutuwa siya dahil sinusunod ni mich ang inuutos nya kahit pwede naman na hindi Marc: yan ganyan mabait ka pala eh? Mich: siraulo ka kasi! Marc: wala akong pakialam kung siraulo ako ! Mich: haha ...nandyan na yata sila ate tingnan ko muna. Marc: tingnan mo at ipakausap ako sa kanya baka niloloko mo lang ako . Mich: nandyan na nga sila ayaw maniwala. Marc: tawagin mo. Mich: yes boss! Haist. Marc: haha very good? tinawag ni mich si mayet para kausapin siya Mich: ate halika muna kausapin mo muna ang pinsan mong baliw haha Mayet: ha? nasaan.?? Mich: nasa kwarto ate ang cp mo. mayet: ok sige. Pinuntahan ni mayet at kinausap si marc sandali lang ang pag uusap nila at binaba na din agad ni mayet. Mich: ano daw sabi te? Mayet: nag goodnight lang matutulog na daw siya.? Mich: baliw talaga kanina pinatulog ayaw.. Mayet: kanina pa kayo nag uusap?. Mich: di naman masyado te. masayang nakatulog si marc. Kinabukasan ng umaga tinawagan nya ulit ang katiwala nila sa manggahan . Ooooooppppppppsssss ?! ITUTULOY .....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD