Part 4
"IKAW"
Habang nasa kusina sila mayet at marc na nagluluto ng almusal para sa mga bisita,si mayet napansin siya na may sinisilip sa labas.
Mayet: Anong sinisilip mo dyan marc?
Marc: Ate, may bagong dating na
bisita?
Mayet: Saan? Sino?( sumilip din)
Marc: baka kaibigan ni menchu.
Mayet: Saan? eh mga kaibigan ko ang
mga nandyan .
Marc: ayun oh! ang naka pink na
nakatalikod, seksi nya oh pero baka
paghumarap yan ay ewan haha
joke lang
Mayet: ikaw talaga masama yan ha
Marc: joke nga lang ate
Mayet: ah yon ba ang sinasabi mo (si mich ang tinutukoy ni marc)
Marc: oo ate yon nga. kilala mo ba?
Mayet: loko ka, kasama ko yan siya yang
sinasabi ko na masama ang
pakiramdam pero ok na yan siya di
mo lang nakikita kasi bihira lang
lumabas yan.
Marc: kasama mo pala teh, sorry naman
Mayet: mamaya pagkatapos natin dito
ipakilala kita sa kanya.
Marc: huwag na teh di ako interesado
Mayet: sure ka! sabi mo yan ha
Marc: oo nga te.
Si marc ayaw nyang ipakilala siya ni mayet kay michelle dahil iniisip nya na makikilala din naman nya yan at iniisip nya pareho lang yan sa mga naging x nya .
hinanap ni michelle si mayet.
Mich: ate, nasaan si ate mayet?
Cora: Nandoon sa kusina beh nagluluto.
Mich: ah ganun ba.
Si mich pumunta ng kusina para puntahan si mayet at para na din kumuha ng tubig na maiinom pagbukas nya ng pinto,,
Mich: OMG!! sorry di ko alam may tao pala.
Natamaan si marc pagbukas niya ng pinto kaya natapon ang hinahawakan nito.
Marc: anak ng !!!!
Mich: Sorry di ko alam may tao.
Marc: kasi naman di tumitingin kung may
tao o wala! ( nagalit)
Mayet: oh, beh buti lumabas ka na .
Mich: kanina pa te nasa labas lang
kami .
Marc: ate, natapon oh.
Mayet: ano ba yan? ah, hayaan mo na di
di na gagamitin yan.
Mich: Sorry talaga di ko sinasadya.
Marc: itapon na lang ba ito te?
Mayet: itapon mo na yan.
Marc: sayang naman.!
Mich: Sorry ulit ha.
Marc: hay, kasi naman eh!. ( naiinis)
hindi tiningnan ni marc si mich dahil sa inis dinampot nya ang mga nagkalat na gulay samantalang Si mich kumuha nalang ng tubig sa ref.
Mich: suplado naman nito nagsosorry na
na nga eh di ko naman sinasadya.
(sa isip niya)
Pagkatapos nyan dampotin at itapon ang gulay si marc tumayo at napatingin kay mich habang kumukuha ng tubig at napansin siya ni mich kaya dali daling siyang
lumabas ng kusina dahil sa inis na di pinansin ang sorry nya.
Mayet: hoy! Marc sabi ko iabot mo sa akin
ang bawang.!
Marc: ha? ano un ate di ko narinig
Mayet: Sus! kasi naman
Marc: ate, siya ba yong nasa labas
kanina ?
Mayet: oo sya nga.
Marc: Ate, ipakilala mo ako sa kanya ha
Mayet: di ba sabi mo ayaw mo? haha
Marc: joke lang yon te
Si mich lumabas ng kusina na nakasimangot at napansin nila cora.
Cora: beh, smile ka naman dyan
Janice: beh, hahaha bakit ka
nakasimangot?
Lily: baka nabulunan ka beh
Mich: haha di ah ,
Lily: beh, ang ganda mo bagay sayo ang
suot mo .
Mich: ha? si ate talaga
Lily: oo nga beh.
Janice: beh, para mo na kaming alalay
para ka kasing artista haha
Mich: hala si ate janice
Cora: kaya nga beh, kaya gurls
magpapicture na tayo sa kanya
habang di pa sya nadiskober haha
Mich: hahaha mga ate talaga lakas ng
trip sige magpicturan tayo.
Masaya silang niloloko si mich dahil di napipikon at game sa mga biro nila . habang abala sa pagpicture lumapit sa kanila si susan na asawa ng kapatid ni mayet na karga ang anak na umiiyak.
Mich: hello baby bakit ka umiiyak..
Susan: hello daw oh. say hi kay ate
(kausap ang anak)
Mich: hi ate, kapatid ka ni ate mayet?
Susan : hindi, asawa ko ang kapatid nya.
Mich: ah ok, ngayon lang kita nakita .
Binati din siya nila cora at janice.
lily : musta susan hehe
susan: ok lang ikaw kamusta na
Lily: ito naka move on na haha
Susan: buti naman
Mich: magkakilala kayo ate?
Lily: oi beh, dati pa
Susan: dati kasi nandito sya nong pumunta ako.
Mich: ah kaya pala.
Janice: tumahimik na si baby
Cora: akala nya kasi artista kaharap nya
Mich: hahaha loka si ate
Susan : oo nga noh.
Lily: nakangiti na sya oh.
Susan: ang saya nyo naman dito.
Mich: nagpipicturan lang teh.
Janice : mga nakawala sa hawla haha
Susan: nakawala talaga haha
Habang nag-uusap sila nakita sila ni marc kaya pumunta si marc sa kanila at sumali.
Marc: ang saya niyo naman dito
Lily: halika sumali ka din dito
Cora: halika patahanin mo si baby.
Marc: bakit umiiyak ba yan? haha
Janice: kanina pero tumahan kasi may
nakita siyang artista haha.
Si mich tumahimik ng dumating si marc at Si marc habang nakipagkwentohan panay ang tingin kay mich .
Marc: ate janice tingnan mo
(ngumuso kay mich)
Janice: bakit hahaha
Marc: bakit ka tumawa
Janice: wala ikaw ha
Si marc tinawag ni mayet para tikman ang kanilang niluto
Mayet: marc, halika muna dito .
Marc: bakit ate?
Pinuntahan ni marc si mayet sa kusina.
Si mich nakipag-usap ulit sa bata ng umalis si marc.
Mich: baby.. ang cute nya .
Cora: beh, pag nagkaanak ka kukunin mo
kaming ninang ha
Mich: haha anak agad teh, wala nga ako
bf paano kaya ako mag kaanak haha
Cora: kunwari ka pa eh
Susan: kukunin ko kaya kayong ninang ni
junjun.
game ako dyan haha sagot nilang lahat.
Susan: sige, sasabihin ko nalang kay
mayet kung kailan
janice:ok gurl no problem..
Susan: teka ,dito muna kayo paliguan ko
lang to tumahimik na eh.
Mich: sige ate .bye baby mwah hehe
Si Cora nakaramdam ng uhaw kaya humingi siya kay mich ng tubig kaya lang naubos na sa baso nya .
Mich: ate gusto mo kuhaan kita tubig?
Cora: wow! ang bait naman .ok sige beh.
Mich: minsan lang nman ito te haha
Cora: kahit na
Pumunta siya sa kusina para kumuha ng tubig ni cora at nakita siya ni marc na papasok ng pinto at hinarangan
Marc: bawal pumasok ang di kilala.
Mich: weeh ,talaga?.
Marc: magpakilala ka muna
Mayet: marc, talaga oh
Mich: ate, pakikuha ng tubig te na di
malamig.
Marc: huwag teh
Mayet: baby, madumi ang kamay ko.
Marc: baby pala pangalan mo
Mich: hay naku! padaanin mo ako
Marc: sabihin mo muna pangalan mo
Mich: Bakit? ano ba kailangan mo sa
pangalan ko!( naiinis)
Marc: hmmm!! idikit ko lang sa braso
ko
Natawa si mich sa sinabi ni marc pati si mayet.
mayet: talaga naman haha
Mich: baliw lang
Marc: ayon at tumawa siya haha
Mich: padaanin mo na ako
Marc:ayoko nga!
Mayet: padaanin mo yan marc
Marc: baby, ako pala si marc ( gusto sana makipagkamay)
Mich: baby ka dyan! pakialam ko kung
ikaw si marc!.
pumasok si mich ng di nakaharang ang kamay ni marc.
Marc: wow! deadma first time haha
di na kaya ni mayet pigilan ang pagtawa na kanina pa nya pinipigilan.
Mayet: hahaha buti nga sayo.
Mich: ate, nasaan ang di malamig na
tubig?
Mayet: dyan beh,sa malaiit na gripo
nakafilter yan.
Mich: ok thanks ate
Mayet: ur'e welcome hehe
nakatayo lang si marc habang nakatingin kay michelle na naghihintay mapuno ang baso.
Marc: ate mayet, parang aatakihin ako
( humawak sa dibdib)
Mayet: ha! bakit?
Marc: ang sakit pala matanggihan
Mayet: loko loko ka talaga marc
napalingon si michelle sa sinabi ni marc
at nagkasalubong ang kanilang tingin kaya di na nagpaligoy ligoy pa si marc kinindatan agad nya ang dalaga .
Mich: Baliw!
Marc: ate, ang baby mo ayaw magpakilala
Mayet: buti nga sayo haha
lalabas na sana si michelle dala ang baso na may tubig nang bigla siyang hinarangan ulit ni marc.
Marc: wala nga dadaan sabi eh!
Mich: papansin talaga to ( sa isip nya)
Marc: Pangalan mo miss?
Mich: padaanin mo ako!
Marc: Ayoko nga
Mich: nauuhaw na si ate cora doon oh. ?
Marc: di naman eh, kaya nga bilisan mo
na sabihin mo na pangalan mo at
ng makadaan ka na ?
Mich: hay naku!
Nilipat ni mich ang baso sa kaliwang kamay para tanggalin ang kamay ni marc na nakaharang sa pintuan pero di nya kaya. Tumawa lang si marc at napatingin sa kanyang kamay na nakahawak sa kamay nya.
Marc: sus, akala naman nya kaya nya?
Mich:hay naku! padaanin mo akoo!!?
Mayet: marc padaanin mo yan ikaw
talaga ?
di nakalabas si michelle kaya si cora pinuntahan nalang siya at kinuha ang baso na may tubig dahil kanina pa siya nauuhaw.
.Cora: beh, akin na ang baso ?
hinarangan ka ba haha
Mich: sige ate, ito ang tubig mo . ayaw
magpadaan ang baliw na to.
Marc: haha baliw pala ha.?
Natutulala si marc habang nakatingin kay mich.
Marc: ibang klase di to ah? (sa isip nya)
Mich: sige dyan ka nalang magbantay!
Marc: talaga ? bantayan kita
Mich: Hehe nakakatawa ka.
Mayet: hahaha ? kasi naman.
inutusan ni mayet si mich na kunin ang kanyang cp sa loob ng kwarto dahil baka tumatawag ang mama nya.
Mayet:beh, favor nMan.
Mich: sure teh, ano un?
Mayet: paki kuha ang cp ko sa loob
pls. ?
Marc: baby, nalang din itawag ko sayo?
Mich: ok sige teh, kaya lang ayaw ako
padaanin ng baliw na yan oh ?
Marc: baliw talaga ha haha
Mayet: marc, padaanin mo muna.?
Marc : ok sige, dumaan kan baby??
Mich: baby ka jan ( sabay alis)
Mayet: hahaha naki baby nalang haha
Marc: kasi teh ipakilala siya sa akin?
Mayet: sabi mo ayaw mo di ba ?
Marc: eh di sabihin mo nalang pangalan
niya pls parang awa mo na haha
Mayet: hahaha ayan tayo eh .?
Marc: baby, ba talaga pangalan nya ate
kasi yan lahat tawag nyo sa kanya?
Mayet: hay naku marc , siya nalang
tanungin mo ?
Pagbalik ni mich dinaan lang nya si marc na nakatayo sa pintuan at naamoy ni marc ang pabango nya.
Marc: hmmm.. ang bango naman
Akala ni mich ang niluluto ni mayet ang sinasabihan ni marc na mabango.
Mich: ito na ang cp mo te.
Mayet: thankss, beh
Mich: ang bango nga ate hehe.
anong niluluto mo ate? ang bango
Marc:Sinangag at ano ba yan te haha
Mich: ikaw ba si ate at ikaw sumagot?
Marc: aba! aba! buti nga sinagot ka pa
eh.
Mayet: kumakain ka ba nito beh?
Mich: oo naman teh masarap kaya yan.
Marc: maarte lang ang di kumakain nyan
Mich: nagtanong ba ako?!
Marc: aba!aba! ang taray na nya
Mich: baliw ka lang !
Marc: ako baliw ikaw baliw din kaya bagay
tayo
Mich: hay naku!! ( sabay alis)
Marc: haha ano yan? pikon na ba?
Napangiti nalang si mayet sa kanilang dalawa na akala mo matagal na magkakilala sa mga asaran nila. Si marc di sanay na denedeama siya ng babae. halos lahat kasi ng naging gf nya di sya ang nanligaw haha (gwapo lang) kaya ganun nalang ang reaksiyon nya ng denedma siya ni mich na makipagkamay parang ang laking insulto na sa kanya . Kaya di nya tinigilan si mich.
Mayet: haha inasar agad.
Marc: ate ,di ah
Mayet: sinupladohan mo kasi kanina ,nagsorry na nga sayo denedma mo lang haha kaya nainis yon.
Marc: haha kasi naman eh di mo kasi
sinabi eh na siya pala yon
Mayet: kaya wala na! asar na sayo yon.
Marc: galit ba talaga yon?
Mayet: di naman naiinis lang.
Marc: nagsorry tapos nandedma at
nagtaray pa agad haha sakit non ah.
Mayet: may katapat ka na rin sa wakas hahaha
Marc: waaah! grabe ka naman te
Mayet: Sus, marc alam ko na ang
galawan mo kaya uunahan na kita
wag na wag mo siya isali sa listahan
ng mga babae mo hahaha at buhay ko
ang nakasalalay dyan.
Marc: ate talaga haha ganun ba talaga
tingin mo sa akin, di naman ako
ganun ah konti lang pero ate iba
ang ganda nya ha kaya lang
suplada denedma ang kamay ko
Mayet: kaya nga eh, di ka matulala kanina
kong di ka nagandahan sa kanya
Marc: haha ate di ah di ko lang narinig
sinabi mo.
Mayet : naku marc!, sige tulungan mo na
ako dalhin doon ang mga pagkain at
makakain na tayo .
Marc: Sige teh ganado haha
Mayet: hahaha loko! loko!
Oooooppppppssssss ?!
ITUTULOY...