continuation Part22
"ikaw"
Habang nagkukulitan silang dalawa lumapit si mayet sa kanila .
Mayet: nandito pa pala kayo akala ko sumama kayo sa kanila?
Mich: sasabay ako sayo teh.
Marc: ayaw nya sumama sa akin teh?
Mayet: ganun? Hehe beh, sumama ka na muna kay marc mamaya susunod ako sa inyo ,may hihintayin lang ako.
Mich: sinong hihintayin mo ate?
Mayet: ang tiyahin ko nagtext na pupunta daw sila dito kaya hintayin ko nalang kasi wala din dito sila mama.
Mich: ah ok sige ,basta susunod ka ha?
Marc: baka mawala siya kaya sumunod ka teh?
Mayet: susunod ako sa inyo?
Mich: ok sige no choice na kaya sasama na ako sa topakin????
Marc: haha topakin ka dyan ,ikaw lang naman topakin?
Mayet: ok sige na ,umalis na kayo at gumala na kasi lastday na yan bukas wala na ?
Mich: oo nga pala noh .
Marc: tara na bhe??
Mayet: haha yan nanaman si marc.
Walang kaalam alam si mayet na may selosan naganap kanina.
Marc: haha ate.
Mich: sandali magpalit muna ako ?
Umalis si mich at nagpalit ng damit. Nagtaka si mayet kung bakit di nagalit si michelle ng tinawag sya ni marc na bhe .
Mayet: di yata nagalit sayo marc na tinawag mo syang bhe?
Marc: haha nasanay na sguro
Mayet: loko ka talaga haha. sige hintayin mo nalang sya ha,, pupuntahan ko muna sila doon. ingatan mo si mich doon ha ??
Marc: di mo na kailangan sabihin yan te alam mo na yon ???
Mayet: oo nga pala ? sige na maiwan na kita dito.
Marc: ok sige teh.?
Habang hinihintay nya si michelle na lumabas nagring ang phone nya at si venuz ang tumatawag .
Marc: tssk! bakit tumatawag ito ano kaya kailangan nito? (sa isip nya)
Kaya sinagot nalang nya habang wala pa si mich.
Marc: hello!
Venuz: hello!
Marc: oh venuz bakit ka napatawag?
Venuz: buti naman ikaw na ang sumagot! si michelle ba yon kanina ang sumagot ng phone mo?
Marc: oo siya bakit? nasa kanya ang phone ko eh.. bakit may kailangan ka ba?
Venuz: gusto ko lang sana makausap ka
Marc: para saan naman yan?
Venuz: tungkol sa ating dalawa. alam ko naman na marami tayong pag uusapan eh.
Marc: tapos na tayo di ba? ano pa ba ang dapat pag usapan?
Venuz: ako lang naman ang nagputol ng relasyon natin dati di ba hindi ka naman pumayag di ba?
Marc: Oo alam ko pero natanggap ko na yon na tapos na tayo dati pa.
Venuz: hindi ako naniniwala marc alam ko mahal mo pa rin ako hanggang ngayon.
biglang napaisip si marc sa mga sinabi niya .
Marc: anong ibig mong sabihin?
Venuz: Gusto ko magkaayos tayo gusto ko magbalikan tayo dahil mahal kita ..
Marc: alam mo mag usap nalang tayo pag may oras ako huwag muna ngayon.
At binaba agad ni marc ang phone.. tamang tama si mich lumabas din ng bahay .
Mich: marc, tara na .
Marc: ok sige tara na ilabas ko lang muna ang motor .
Mich: sinong kausap mo sa phone?
Marc: ha? ah kaibigan ko tumawag .
Mich: bakit ganyan ang mukha mo parang di naman maipenta yan?
Marc: ikaw talaga haha sige na doon ka muna hintayin mo ako doon .
Mich: ok sige ..
Nilabas nya ang motor habang iniisip ang sinabi ni venuz sa kanya..
Marc: shiit!!! nagsinungaling ako kay mich! ( sa isip nya) bakit pa kasi tumawag yon.
Ayaw nyang sabihin kay mich na si venuz ang kausap nya kanina .
Mich: ang tagal naman !
Marc: sandali lang ito naman excited ??
Mich: di naman hehe.
Marc: oh ito na halika na nagmamadali ka ba o gusto mo lang yumakap sa akin??
Mich: grabe sya ! di na lang kaya ako sasama.
Marc: haha tampo agad?
Mich: jokeeeee!!?
Marc: halika na sumakay ka na .
Sumakay siya at agad naman pinatakbo ni marc ang motor.
Marc: saan na kaya sila ?
Mich: sa plaza syempre!?
Marc: ang ibig kong sabihin saan sila nakatambay?
Mich: haha yon pala.
Marc: ikaw ha mamaya ka lang. makuha mo talaga ang premyo mo ?
Mich: bakit nanaman? Haha
Marc: mamaya malalaman mo.
Mich: weeh...
Marc: haha?
Pagdating nila sa plaza doon sila sa pwesto ni manong na tinambayan nila dati at doon ni marc iniwan ang kanyang motor. At hinanap nila ang mga kaibigan sa loob ng plaza na sobrang dami ng tao.
Mich: ang daming tao pala haha.
Marc: lastday na kasi kaya nagsipuntahan na lahat?
Mich: tawagan mo nalang kasi sila.
Marc: kanina ko pa nga tinatawagan si jake di sinasagot.
Mich: paano naman masagot eh ang ingay dito baka di naririnig.
Marc: kaya nga eh,, kaya balik nalang muna tayo doon sa pwesto ni manong. ?
Mich: sige tara, di ko kaya makipagsiksikan ?
Marc: haha mamaya maapakan pa yang paa mo.
Mich: mamaya nalang tayo mag ikot
Marc: sige tara na balik tayo doon.
Bumalik sila sa pwesto ni manong at doon tumambay.. at may naisip si marc na gagawin.. nakita nya na may tinda na balut si manong kaya bumili sya.
Marc: gusto mo ng fishball?
Mich: mamaya na busog pa ako sa turon haha.
Marc: hahaha ok?
Kumuha si marc ng balut at nilagay sa harap ni michelle.
Manong: gusto nyong suka?
Marc: ok sige manong.
Mich: yuckkks!!? balut na naman.
Marc:haha halika tikman mo.
Tumayo si mich at lumayo kay marc dahil ayaw nyang kumain ng balut.
Marc: halika dito?
Mich: ayoko nyan marc.. nakakadiri naman yan.
Marc: anong nakakadiri ka dyan .. marami ang nasasarapan nito tapos ikaw nandidiri. ?
Mich: sorry naman, pero ayoko nyan. ?
Marc: halika ka dito sabi eh?
Mich: ikaw nalang kumain nyan marc ayoko?
Marc: halika dito ?
Lumapit si mich sa kanya at umupo sa tabi nya.
Marc: halika tikman mo?
Mich: ayokooo nga ! nakakatakot ang sisiw ?
Marc: try mo lang kahit konti.. masarap ang lasa nito di mo pa kasi natikman eh.
Mich: ayoko talaga promise di ko kaya kainin yan promise.?..
Marc: konti lang nga eh. ?
Binuksan niya ang isang balut at pinapasubukan sa kanya.
Marc: oh ito bukas na try mo ang sabaw nya masarap.
Mich: marc naman ayaw ko nga eh.?
Marc: tikman mo muna kasi bago mo ayawan. ?
Mich: ayoko talaga ! promise ayoko!?
Marc: Sige na!?
Pinipilit nya na kainin ni mich ang balut para matikman ang lasa nito
Marc: sige na konti lang tapos kung ayaw mo ng lasa ok sige hindi na kita pilitin. sige na.
Walang nagawa si mich kaya tinikman ng konti ang sabaw ng balut.
Mich: konti lang ha??? my gosh! di ko kaya.
Marc: haha para kang pinarusahan dyan.
Mich: ano pa nga ba??
Habang hawak nya ang balut na parang diring diri sya sa sisiw hinawakan ni marc ang kamay nya na may hawak na balut at pilit nilalapit sa bibig nya.
Marc: sige na try mo lang konti.?
Mich: wait lang ??
Marc: hahaha. sige na .
Dahil sa kakulitan ni marc tinikman nya ang balut at habang nilalasap ang lasa tawa ng tawa si marc sa kanyang mukha..
Mich: ????
Marc: hahaha mich diko kinaya ang hitsura mo????
Mich: hahaha loko ka talaga. ?
Marc: oh ano ang lasa? ?
Parang nagustuhan nya ang lasa ng balut dahil di nya niluwa ang sabaw.
Marc: oh ano? ok ba ? sige na nga akin na nga yan kainin ko nalang yan ayaw mo eh.?
Mich: teka lang hehe hmmmm...? sandali masarap pala hehe.
Marc: hahaha sabi sayo eh.
Mich: kaya lang ayoko ng sisiw nakakatakot kainin??
Marc: sabi sayo masarap eh? akin na kunin ko ang sisiw at kainin mo ang natira.
Mich: nakakaloka haha??
Di nila namalayan na tinitingnan pala sila ni manong at nakangiti habang nakatingin sa kanilang dalawa.
Marc: oh ito na kainin mo ..
Mich: akin na. ?
Marc: ubusin mo yan ha.? at meron pa dito .
Mich: kainin mo na yan. ito lang sa akin.
Marc: ok sige,, masarap ba??
mich: oo masarap naman pala hehe
Marc: tikman kasi muna bago mo ayawan ?
Mich: grabe sya. ?tikman bago ayawan haha may ganun.
Marc: ikaw ha! iba naman ang sayo eh?
Mich: uy di noh !
Marc: weehhh?
Mich: loko ka haha.
Marc: sige na ubusin mo na yan..
Pagkatapos nilang kumain nakita ni mich ang ferris wheel na umiikot kaya napatingin siya.
Mich: grabe sila di sika natatakot sumakay dyan .
Marc: ang alin ? saan ?
Mich: yan oh sa ferris wheel ?
Marc: di ka pa ba nakasakay dyan?
Mich: isang beses lang nung bata pa yata ako noon pero isang ikot lang kasi umiyak na ako sa taas?
Marc: hahaha ganun.
Mich: di ko kaya ?
Kaya naisipan na naman ni marc na pilitin syang pasakayin kaya niyaya niya ito.
Marc: tara sakay tayo para mawala ang takot mo?
Mich: yan ang hindi mo talaga ako mapilit ? ayoko talaga sumakay dyan.
Marc: tara na subukan mo ulit mamaya ka na magreklamo. ?
Hinawakan nya sa kamay si mich at dinala papunta sa ferris wheel
.
Marc: tara na,,, ah manong babalik kami dito mamaya ha.
Manong: ok sige.
Mich: ayoko marc promise mamaya susuka ako dyan.?
Marc: di yan! halika try natin?
Mich: ayoko! ayoko! ayoko!?
Marc: haha..
Kaya di nalang siya pinilit muna ni marc kasi baka nga sumuka sya sa taas..
Marc: ok sige hindi na.?
Mich: mag ikot nalang tayo baka makita natin sila.
Marc: ok sige kung yan gusto mo..
Pinagbigyan sya ni marc at di na pinilit sumakay ng ferris wheel kaya nag ikot nalang sila .
Mich: tawagan mo kaya sila marc .
Marc: teka sandali. tatawagan ko.
Kinuha nya ang cp sa bulsa at nakita nya na ang daming missed call ni venuz kaya denelete nalang nya ang number.
Mich: tawagan mo na .
Marc: oo nga sandali lang!,,,nagmamadali??
Mich: haha di naman.
Tinawagan ni marc si jake di parin sinasagot at tinawagan nya nalang si edward nakailang dial sya bago nasagot.
Marc: hello brod! nasaan kayo?
Edward: nandito kami sa gym brod nanood ng laro. Saan ba kayo?
Marc: ah nandyan pala kayo? nandito kami sa plaza.
edward: ok sige punta ako sa inyo ?
Marc: ok sige nandito lang kami sa plaza .
Edward: ok sige .
Binaba na nila ang phone at si edward nagpaalam sa kanila na pupunta siya ng plaza.
Edward: brod(jake) punta ako sa kanila brod marc nasa plaza sila.
Jake: ha! sasama nalang ako.
Narinig din nila lily cora at janice kaya sumama na din sila.
Cora: sama na din ako.
Lily: ako din ??? inaantok ako dito haha
Janice: tara doon sa plaza .
Lily: gurl dito muna ako parang maputol na ang paa ko sa kakalakad na walang patutunguhan haha
Cora: haha gurl
Mich: ate lily napagod ka pala?
Lily: oo beh?
Marc: mamaya na kayo bumalik doon kumain muna kayo dito.
Cora: yon ang maganda ?
mich: haha ate.
Marc: ikaw ayaw mo kumain?
Mich: ayoko di pa naman ako nagugutom.
Lumapit sya kay mich at inakbayan niya ito.
Marc: di daw nagugutom. ?
Mich: aray ko! ang bigat ng kamay mo! ( sabay kuha sa kamay ni marc na nasa balikat nya)
Marc: di naman mabigat eh mas mabigat ka kaya?
Mich: siraulo??
Nagutom sila lily kaya kumuha sila ng niluluto ni manong para kumain.
Lily: beh, ikaw gusto mo ba?
Marc: ayaw nya kasi ako daw ang gusto nya???
Jake: haha brod bumanat ka nanaman.
Lily: hahaha marc ikaw talaga.
Mich: baliw ka talaga( kinurot si marc)
Marc: aray ko! yan nangurot ka nanaman?
Mich: ikaw kasi ang ayos ng tanong ni ate lily isingit mo talaga ang kabaliwan mo.
Marc: ok sige hindi na ??
Mich: tama na na inom marc mamaya di ka na makadrive.
Marc: di na ako umiinom kanina pa. konti lang naman nainom ko.
Mich: ang dami nyo ng naubos oh tapos konti lang nainom mo? weeh di nga?
Marc: oo nga konti lang nainom ko. sila yan uminom ..ayan oh si trixie ang lakas painomin?
Mich: kaya nga eh. may kalaban kayo sa inuman.
Marc: asuss!! nagseselos ka na nanaman???
Mich: di ah loko ka haha?
Marc: di nga ba? ?
Mich: hindi noh bakit naman ako magseselos alam ko naman na love mo ako haha ???joke lang.
Napatawa si marc ng malakas sa sinabi niya
Marc: hahaha ganun? buti alam mo
Mich: joke lang haha?
Tinukso na naman sila ulit nila jake at mga kasama.
Jake: ano yan brod? bakit ang tawa mo parang di maipaliwanag hahaha
Marc: haha brod ito kasi oh naglalambing nanaman.
edward : haha mich
Mich: baliw ka talaga.
Jake: ganun ba. ?
Samantala ang tatlo busy sa mga kinakain kaya di na ngasasalita at nakitawa nalang sa kanila. Si trixie di na din kinaya makita ang dalawa kaya umalis at pumunta sa kanila ni greg.
Habang palalim na ang gabi nagyaya na si mich na umuwi dahil nag umpisa na din ang discohan sa plaza na kahit saan may sumasayaw..
Mich: marc, uwi na tayo.
Marc: sumayaw ka muna doon oh. ?
Cora: haha beh sayaw muna tayo.
lily: may ganito pala dito tingnan nyo doon may sumasayaw tsaka doon din ?
Janice: kaya pwede din tayo dito sumayaw hahaha.
Jake: antok na si michelle?
Marc: inaantok ka na ba?
Mich: di pa naman .
Marc: eh di mamaya na tayo umuwi.
Lily: gurl sumayaw ka na!?
Cora: punta tayo doon hehe
Janice: haha kumakati na paa mo gurl
Lily: tara sandali lang tayo.. beh ikaw sasama ka ba?
Mich: kayo lang ate dito lang ako.
Marc: dito lang daw sya kasi mag umpisa na ang topak nya??
Mich: baliw! hehe
Jake: hahaha.
Lily: beh, sandali lang kami ha?
Mich: ok te no probs ,si marc lang yan may topak?
Cora: hahaha beh, sige dito ka muna.
jake: sige samahan ko kayo.
Marc: ako pa may topak?
Edward: brod! kilala mo ba yan?
Napansin ni edward na kanina pa nakatingin sa kanila ang isang lalaki
Marc: sino brod?
Edward: ayun oh. wag ka pahalata .
Tiningnan ni marc kung sino ang lalaki na sinasbi ni edward.
Marc: di ko kilala yan.
Edward: kanina ko pa yan sya napansin na nakatingin sa inyo ni michelle. .
Marc: ha? teka lang.
Tumayo siya at kunwari may kukunin .
Mich: ano yon?
Edward: ah wala may kinuha lang sya .
Marc: p@ta brod si kyle yan haha?
Edward: sinong kyle?
Marc: di mo kilala? ?
edward: hindi eh haha.
Marc: si kyle ang pinalit ni venuz sa akin ( binulong kay edward)
Edward: ha! di nga ???
Marc: oo sya yan naka hood
Edward: teka bakit nandito sya?
Marc: ewan ko baka may kamag anak na taga rito.
Edward: ah siguro baka inutusan ni venuz mag espiya sayo hahaha
Marc: eh di mabuti para malaman nya ang katotohanan na wala talaga syang asahan sa akin??
Mich: hala sila anong pinag uusapan nyo?
Edward: haha mich wala naman
Marc: wala mmwah. ?
Mich: hay naku marc!
Edward: hahaha.
Pagkalipas ng 30mins bumalik sila lily .
Marc: uwian na ba?
Cora: uwi na tayo nakakapagod na.?
Janice: tara na , halos lahat na ikot na natin hehe.
Lily: umaga na pala?
Mich: umaga na pero ang dami parin tao.
Marc: last na kasi kaya sinulit na nila.
jake: oh! ano uwi na ba ?
Lily: uwi na tayo doon nalang tayo sa bahay magchika hanggang sumikat ang araw. ?
edward: buti pa haha kasi dito nakabingi ang tugtog sabay sabay.
Marc: ok sige uwian na ?
Jake: tara na uwian na?
Marc: teka uuwi na tayo pero di pa tayo nakabayad kay manong haha
Mich: haha hala kayo?
nagbayad muna si marc habang sila jake kinuha ang kanilang motor dahil apat silang babae at tatlo lang ang motor tinawag ni marc si janice na sumabay sa kanila dahil medyo maliit sya at kasya lang silang dalawa ni mich .
Mich : ate janice dito ka sa amin.
Marc: dito ka na te sa amin
Janice: ok sige?
mich: ate gusto mo sa gitna?
Janice: dito ako sa likod mo beh . ikaw na sa gitna mamaya hilain ka ng aswang hahaha
marc: hahahaha ???
Mich: ate janice talaga oh ?
lily: haha gurl siraulo ka talaga?
Cora: ed bilisan mo ha baka may aswang nga?
jake: hahaha hala kayo?
edward: ay naku nagtakutan pa ??
Marc: sige na sakay na kayong dalawa.
Sumakay si mich at sumunod si janice halos dumikit na sa likuran ni marc si michelle para may space si janice.
Marc: usog ka konti dito para may space pa sya doon mamaya mahulog .
Mich: ate ok lang ba di ka ba mahulog.
janice: di naman beh ok lang kaya tara na. ?
marc: sige brod mauna kami sumunod kayo ha .
Jake: ok sige brod
Umuwi sila ng bahay na nagtatakutan na may aswang kahit na maraming tao naglalakad pauwi.
Ooooooppppppppssssss ?!
ITUTULOY ...