*CHAPTER 27* I was right. That was the last time I saw him. Wala na rin akong narinig mula sa kanya. No text, no calls. I think he even changed his number. Three weeks na mula nang huling beses na magkita kami ni Cedrick, mula nang biglaan na lang siyang umalis sa bahay na dapat magdi-dinner kami kasama si Mommy dahil it’s our first monthsary. Three weeks na ‘kong nag-iisip kung nasaan ba siya, kung ok lang ba siya, may sakit ba siya o may malaking problema. Kahit ganon ‘yung ipinakita niya kay Mommy, hindi ko makuhang magalit. Ayokong mag-isip nang masama agad, ayokong husgahan siya agad, dahil sa pagkakakilala ko sa kanya mabuti siyang tao at alam kong may mabigat na dahilan siya. Kahit sinabi pa ni Mommy sa ‘kin na layuan at kalimutan siya, dahil hindi raw siya mabuti para sa ‘kin,

