*CHAPTER 32* ABBY "Abby!" Bigla akong napabangon nang marinig ko ‘yung sigaw ni Allison. "Abby! Wala akong makita! Abby!" Pagtingin ko sa kanya umiiyak na siya at naka-unat ‘yung mga braso niya na parang may pilit inaabot pero wala naman. Tumayo naman ako agad para lumipat sa kama niya at tabihan siya. "Anong hindi ka makakita?! Ano bang sinasabi mo Allison?" natataranta kong tanong sa kanya, lalo na nang makita ko kung gaano siya katakot. Nanginginig pa nga ‘yung mga kamay niya. "A-akala ko gabi pa, akala ko nasira lang ‘yung alarm clock ko kaya tumunog nang wala sa oras. Akala ko talaga gabi pa kaya sobrang dilim at wala akong makita, pero sinuot ko na ‘tong salamin ko, at binuksan ‘yung lampshade pero wala pa rin akong makita Abby. Wala akong makita!" Iyak siya nang iyak, kaya niyaka

