KABANATA 08

1361 Words

Madilim na ang paligid at nagising si Kamille sa mahihinang tapik ni Franco mula sa tabi nya. Naalimpungatan sya at napagtantong hindi pa pala sila nakakauwi. Nakita nya ang sariling wala pa rin saplot kaya naman napabalikwas sya ng bangon. Baka hinahanap na sya ng Yaya Hilda nya! Hinagilap nya ang bestida na suot-suot nya kanina at inabot iyon sa kanya ni Franco. Nakahubad pa rin ito at kahit madilim ay kita pa rin nya ang matipunong katawan ng binata. Napakagat sya sa ibabang labi nang maalala ang nangyari sa pagitan nila kanina. Wala syang pinagsisisihan doon at kakaibang kasiyahan ang naramdaman nya sa binata. Pansin nyang tahimik ang binata at malalim ang iniisip nito. Nahihiya ba ito sa nangyari kanina? "Franco okay ka lang?" tanong nya, hawak hawak pa rin nya ang damit nya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD