Nang makaalis sa tapat ng presinto ay dahan-dahan ako pumasok sa loob ng bahay namin. Patay ang ilaw at tila tulog na ang mga ito,mabuti na lamang ay mayroon akong susi kaya't madali nakapasok at nakatakas kanina paalis. Nagtungo ako sa kwarto ko at nagbihis pantulog,nakahiga ako sa kama habang iniisip ang lalaking si Miguel. Hindi mawala sa isip ko ito at ang halik na ginawa nito sa akin.
Kinabukasan ay maaga ako gumising at agad bumaba ng kwarto ko,suot na din ang uniform at dala ang bag at ilang mga libro.
"Cynthia!Where did you come from last night ?! Wala ka sa kwarto mo,"baling ni Mommy.
"Where's Dad?"tanong ko.
"Answer me Cynthia! Bakit wala kagabi sa kwarto mo,"sikmat ni Mommy.
Hindi ko pinansin si Mommy at tinanong kay Yaya Mona si Daddy.
"Yaya,did you see Daddy?"baling na tanong ko kay Yaya Mona.
"Kanina pa po umalis,Ma'am Cyn,"tugon nito at bumaling kay Mom.
Humalik ako sa pisngi ni Mommy at nag paalam rito.
"I have to go,Mom."Paalam ko rito.
"Cynthia!"habol na sigaw ni Mommy nang makalabas ako ng bahay.
Sumakay ako ng taxi patungo sa school at nang makarating ay agad ako pumasok sa classroom. Napatingin sa gawi ko ang lahat sa biglang pagdating ko,pero isang tao lang ang nakaagaw ng pansin ko at iyon ang lalaking nakaupo sa dulo. Walang iba kundi si Miguel,ang lalaking nagnakaw ng unang halik ko.
Inirapan ko ito nang magkatinginan kami nito,napangiti lang ito at nang makaupo ako ay binato ako nito ng lukot na papel.
"Anong problema mo,pwede ba 'wag kang bato ng bato d'yan,"wika ko rito.
"Bakit? Teacher ba kita?"wika nito at nag tawanan ang lahat ng estudyante.
Muli nilingon ito at sumagot.
"Kung teacher ako,hindi kita tatanggapin rito sa klase ko,"mataray na sagot ko at nag ingay ang buong klase.
"Eh,paano 'yan. Hindi kita teacher. Matatanggap mo ba ako?"wika nito na nagpa tahimik sa buong klase at sa'kin.
"Matatanggap mo ba ako bilang boyfriend mo,"dugtong nito at muli umingay ang buong klase at sigaw sa pangalan ni Miguel.
"Hindi,"mariin na sagot ko at inirapan ito.
Biglang dumating ang professor namin at nagsimula ang klase. Panakaw ang tingin ko rito habang nakikinig sa prof ko at doon natapos ang araw ng klase ko.
Habang naglalakad palabas ng building ng school ay hinarang ako ng tatlong lalaki,nasa gitna at harap ng mga ito si Miguel kaya't agad ako umiwas ng daan sa mga ito ngunit hinila ni Miguel ang kamay ko at nagsalita.
"Pwede ba kita ligawan,"biglang sambit nito nang mapaharap ako.
Hindi ako agad naka sagot rito at tumitig sa mga mata nito,napa ngisi ako at sinagot ito.
"Ayoko,hindi ako basta nagpapaligaw kung kani-kanino. Understand,"mariin na sagot ko.
Doon binawi ko na ang kamay ko at iniwan na ang mga ito.
MIGUEL POV.
"Mukhang hindi ka umubra sa babaeng 'yun buddy,"wika ni Kiel,kaibigan ko.
"Anak mayaman,buddy. Pakitaan mo nga ng ginto baka sakali lumambot,"sabat naman ng isa.
"Tumahimik nga kayo!"sikmat ko sa mga ito at agad umalis sa harap ng mga ito.
"Hoy,pare saan ang punta mo?!"wika ng mga ito habang palayo ako.
Hindi ko pinansin ang mga ito at agad nagtungo sa cafeteria para magkape. Habang nasa cafeteria at iniisip ang babaeng 'yun. Napangiti ako habang nag iisa.
"Amazona,"wala sa sariling wika ko habang may ngiti.
Habang nakaupo napansin ko ang tatlong babae na nakatitig sa kinaroroonan ko,nakangiti ang mga itong nag uusap habang sa akin ang atensyon.
Kumaway ako ang mga ito dahilan ng pag tili ng mga ito. Lumapit ang isa at kagat labing bumaling sa akin.
"Are you free tonight?"anas nito.
"Bukas pa naman ang racing,so why not,"tugon ko rito.
Sakay ako ng motorsiklo habang angkas ang babaeng nakilala ko sa cafeteria,yakap ako nito mula sa likuran hanggang sa nakarating na sa club. Kumuha kami ng pwesto at naupo sa gawi na 'yon. Hindi pa ako nakakaupo ay bigla na ako sinisabasib ng halik nito,sandali ako tumugon ngunit mahina ito nilayo.
"Let's have a drink before that,darating tayo d'yan baby,"wika ko rito at napa ngiti ito ng matamis.
Matapos uminom ay dinala ko ito sa motel,ngunit pagkatapos makuha ang gusto ko dito ay agad ko ito iniwan sa motel. Naratnan ko sa condo unit ko si Kiel at Joel at Aldrin,nabigla ito biglaang
pag dating ko habang nag iinuman. Nang makapasok sa unit ay agad ko binato ang Jacket ko kay Kiel.
"What a nice pare,hulaan ko saan ka galing? Sa motel i'm right,"wika ni Kiel.
Mahina ako natawa at dumampot ng beer sa mesa.
"Pero pare hindi ba,may boyfriend na ang babaeng 'yun,"dugtong ni Kiel.
"And so what?! i'm not scared,"wika ko at nag hiyawan ang mga ito.
"Gil,wala muna tayong racing. Mainit pa tayo sa mga pulis baka hantingin na tayo ng mga 'yun,"sabat ni Aldrin.
"Don't worry dude,i can manage,"tugon ko.
"'Yan ang gusto ko sayo!"malakas na sambit nito.
Kinabukasan ay nagtungo ako sa school, hindi ako pumasok at muling nag cutting classes. Nasa kubo ako ng school nang makita ko 'yung Amazona na babae na iyon,agad ko ito tinawag dahilan ng pag lingon nito. Lumingon ito at tumingin sa akin,pero nalipat ang tingin ko sa lalaking nasa likuran nito. Galit ito at mayroong bitbit na kahoy,doon ay napatalon ako sa bintana ng kubo. Tumakbo ako kahit hindi kilala ang lalaking iyon pero batid na para sa akin ang kahoy na dala nito. Pero nabigla ako dahil hinarangan ako ng limang estudyante na bitbit rin ang parehang kahoy,huminto ako at napangisi.
"Tinatamad ako ngayon pero mapilit kayo,"wika ko at sabay-sabay sumugod ang mga ito sa akin.
Matapos ng away at mag isang nairaos ko ang sarili nabaling ang tingin ko sa babaeng kasamang nanunuod sa amin gaya ng mga estudyanteng naroon. Pinunasan ko ng palad ko ang dugo sa mga labi ko at lumapit rito.
"Ano nga pala pangalan mo?"tanong ko rito.
"C... Cynthia,"sagot nito at napangiti ako, agad ko ito inakbayan paalis sa mga nakalatay na mga estudyanteng kasuntukan ko.
Nang makalayo kami tinabig nito ang kamay na nakaakbay rito.
"Ano ba! Ang presko mo naman,"sikmat nito.
Ngumisi ako at sumagot.
"Kaya 'wag mo ako pangarapin maging asawa,dahil presko ako,"wika ko rito.
"Baliw ka na,"tanging nasabi nito bago umalis sa harap ko.
Lihim ako napangiti nang mawala ito sa harap ko,pakiramdam ko sobra akong tinamaan sa babaeng 'yun.