Ilang araw na ring hindi nagpapakita sa kanya ang binata. Parang siya pa ang nakagawa ng hindi maganda dito kung umasta ito. Dapat siya ang magalit bakit ito pa ata ang galit sa kaniya? Matamlay siyang pumasok sa trabaho. Madalas pa siyang mag over time para palipasin lang ang oras sa trabaho. Para pag uwi niya hindi na niya maisip kung anong mga dahilan nito dahil nasasaktan siya sa pinapakita nito sa kaniya.Abala siya sa harap ng kanyang computer at hindi pansin sina Jorge at Maricon. "Oh my!Are you sure its real?legit ba talaga or baka naman prank yan ha."singhap ng dalaga sa nabasa. "I dont know,hindi ko pa siya nakakausap,He is busy for something I dont know.Hindi naman siguro ilalathala yan sa news kung hindi totoo.but f**k!!hindi ba siya nag iisip?"ani Jorge kay Maricon. Ma

