Hindi siya nakasama sa usapan nila ni Kim,paano ba naman kasi si William ang nakasagot ng tawag. Sinabi nito kay Kim na tulog pa siya. May flight kasi ito kinabukasan kaya mas gusto nitong silang dalawa ang magkasama sa buong maghapon.Hindi na naman siya tatantanan ng dalawa si Marianel at Kim,mga usyosera pa naman ang dalawa,Magtataka ang dalawa bakit si William ang sumagot ng phone niya eh hindi naman ito nakatira sa bahay niya.Iisipin ng mga ito na pinatulog niya sa bahay niya ang binata na totoo naman dahil ito ang nag pilit na matulog katabi niya. Nagkita sila ni Tita Loraine sa agency kasama nito si Nathalie,hindi man lang siya pinansin nito. Kahit nakangiting binati niya ang ginang. Tinaasan lang siya ng kilay ng kasama nitong dalaga. Mas kinausap pa nito ang kasama niyang si

