Hindi niya pinansin si William asar siya sa lalaki. Nasa labas sila ng resort sa isang open gasebo na napapaligiran ng mga halamang namumulaklak tulad ng mga american roses na iba't ibang kulay.Meron ding dahlia na halos kasing laki ng platito ang bulaklak.Meron ding ibat ibang kulay ng cosmos at iba't ibang variety ng mga orchids like dendro and vandas na naka hang sa itaas.Nakaupo sila sa 4 piece birds nest outdoor chair set na may malalambot na foam. "Boyfriend mo ba iyon?"tanong ni Deive sa kanya. Napataas ang kilay niya ng makitang ang tinutukoy nito ay si William. "Kuya Deive naman friend lang kami nun." "Pashowbiz ka rin ano?denying the obvious huh?."kantiyaw nito sa kinakapatid. "Hindi nga!"piksi niya sa panunukso nito. "Kaya pala hindi maipinta iyang mukha mo habang may kau

