Nagising siyang wala na ang mag ama sa kanyang tabi. Narinig niyang may mga nagtatawanan sa labas,nagmamadali siyang pumasok sa banyo para makapag toothbrush at makapaghilamos.Nagpalit na rin siya ng damit. Nakita niya ang parents ni William ang Tita Loraine at Tito Vince habang pinapaarawan si Liam sa garden. Nagkakatuwaan ang mga ito habang kinakausap ng mga ito ang baby niya na panay ang hagikhik.Sobrang cute nito na pinabubjla ang bibig saka hahagikhik sa lolo at lola nito,kahit ngayon lang nito nakita ang mag asawa. Nilapitan siya ni William ng makitang gising na siya. Hinalikan siya nito sa bibig kahit nakatingin ang parents nito. "Hi good morning hija."alanganing bati ng ina nito. Tiningnan nya si William na pinagmamasdan siya. Wala kasi sa usapan nila na darating ang magul

