CHAPTER 2

1207 Words
Pagdating sa bahay nila ni Nick sinalubong sila nito. Mabilis siyang bumaba sa BMW na latest model ng hudyo.Infairness mabango at malinis ang sasakyan ng kumag. "Hi Nick,I missed you!pumulupot agad ang mga braso niya sa binata at humalik sa pisngi ng binata. lagi naman niyang ginagawa yon kaya walang problema dito. Sanay na sa kanya si Nick.Umikot naman ang mata ni William sa nakita na para bang naalibadbaran sa ginawa niya.Tinulungan na nito ang kaibigan sa pagdala ng gamit ng dalaga sa loob ng bahay.Bakit nung siya lang ang kaharap ng walang hiya siya lang mag isa ang nag buhat ng mga gamit niya.Pinahirapan talaga siya nito kanina. Nagtagal naman sa bahay ang bestfriend nito kaya napansin niya ang binata. "Hoy magaling na lalaki akala ko ba may lakad kayo ng girlfriend mo?may pamadali madali ka pang nalalaman tapos naka tambay ka dito."pagtataray niya sa bestfriend ni Nick. "Look who's talking!ipadala ko kaya sa amason jungle itong kinakapatid mo Nick.". Lakas mo mang asar!sa tingin mo ba makakaabot pa ko sa usapan namin?Sinong bang babae ang magtiyaga maghintay sa boyfriend niya na inabot na ng isang oras at kalahati sa kakahintay?" Do you think na kakausapin pa ko ng babaeng yon eh nakipag break na siya sa kin nung time na nag uusap kami." "And thanks to you!" Sarcastic ang tono nito na asar kay Celine. Nagsasalubong ang may kakapalang kilay nito sa pagkaasar sa kanya. Hindi lang naman first time na nangyari na late siya sa usapan ng girlfriend nya. May time na hindi niya nasisipot ito sa usapan. May time kasi na marami siyang nakakahalubilong mga girls sa ibat ibang bansa,part na rin ng trabaho niya bilang captain pilot ng isang Company airlines. May private plane din naman ang pamilya ng binata at siya ang madalas na kinukuha nila Nick. He is already 29 pero hindi naman siya sabay sabay mag girlfriend tulad ng akusa ni Celine sa kanya. One in a time naman at hindi niya pinagsasabay ang mga babae. Ewan niya ba kung saang lupalop naman napulot ng babaeng iyon ang mga pinagsasabi nito. "you are much much welcome baby ewww!!as in naman na hindi ka nawalan ng jowa kahit makipag break pa sayo ang bruhang Nathasha na yon!For sure kung mahal ka nun hindi siya makikipag break ng ganun lang noh!Ang sabihin mo isa ka lang din sa flavor of the month niya."pambubwesit niyang sagot sa binatang di na maipinta ang mukha sa pagkaasar sa kanya.Naniningkit ang mata nito sa pag kaasar sa kaniya. Hindi nilubayan ni Celine si Nick kahit kausap pa nito si William. Sobrang na miss niya ang binata. Ito yata ang ultimate crush nya. Nakandong pa siya sa binata na kinaasaran ni William.kulang na lang hatakin siya nito sa pagkakandong kay Nick. "s**t!mahinang mura ni William. Isa na lang bibingo na sa kanya ang dalaga. "What?!Inis na tanong niya kay William na masama ang tingin sa kanya. Natahimik na lang ito na iniwas ang tingin kahit bwisit na bwisit siya dito. May narinig silang nagtatawanan sa bandang pool area kaya natawag ang pansin nilang tatlo. "Hmm...mukhang may bisita si Kim?"tanong ni William kay Nick. "Yeah friend nila Mommy at kim!Dito rin siya nakitira."ani Nick na kinalas ang pagkayakap ni Celine sa kanya. "Hmm....bakit hindi tayo makijoin sa kanila?" "Total sira na iyong lakad ko!"ani William. "That's a good idea pare tara lets."sang ayon nito sa kaibigan. "But__Nick......angal ng dalaga." "Come on para makilala mo naman iyong friend ni Kim."ani Nick. Wala namang problema iyon kay William lagi siyang may baong pamalit kahit saan siya magpunta. Naisip niya rin ang bagay na iyon para makabawi kay Celine na knowing na hindi marunong lumangoy ang dalaga. Sandamakmak na irap ang binabato nito sa kanya.Kung nakamamatay nga lang ang irap kanina pa siya bumulagta. Pinakilala naman ni Kim sa kaniya ang babaeng kausap nito ng lapitan siya. '"Celine meet Marianel Lamis my friend,and Marianel si Celine Constantino inaanak ni Mommy.''pakilala nito. '"Hi!Tugon niya sa dalaga ganun din ito sa kaniya. Imbis na makijoin nakaupo lang ito sa louge chair. Nagmumukmok ang dalaga naiinis sa bestfriend ni Nick. Kahit kailan talaga panira ng moment ang isang yon. "Hey Celine come join us!sigaw ni Kim habang nasa pool." "No thanks dito na lang ako."nakasimangot siya. Lumapit naman si William at naglagay lang ng sunblock sa katawan. "Ang arte!" Bulong niya na medyo napalakas kaya narinig naman ng binata. Akala niya kung ano lang ang kukunin nito kaya napasinghap siya ng biglang buhatin at ilaglag sa pool. "Shit.....napasinghap na papasag pasag sa tubig ang dalaga.kumakampay ang kamay sa ilalim ng tubig. "s**t! .....Hel---p....singhap nya. Hindi siya makahinga sa ilalim ng tubig nanguyapit sa katawang nahawakan. Mahigpit na yumakap dito. Natawa lang sa kaniya ang binata. Huminga siya ng malalim ng mahimasmasan. "Walanghiya ka talaga!bulyaw niya ng makilala kung kaninong katawan ang kaniyang hinahawakan. "Bwisit kang lalaki ka sa buhay ko!"galit na galit na tungayaw niya dito pero hindi nya magawang hampasin ang lalaki dahil mahigpit siyang nakayakap dito. "Watch your language babe kung ayaw mong ihagis kita sa mas malalim na bahagi."tukso nito. Hinayaan nya lang na parang tukong nakayakap ito sa kanya kahit galit na galit. "aayyiiee diyan nag uumpisa yan eh!"tukso ni Kim na nasa di kalayuan na kasama sina Nick at Marianel. "William.....ah c-can you-- alanganing tumingin siya sa mukha ng binata. Kahit gusto niyang bumitaw dito hindi niya magawa. Hindi siya marunong lumangoy at nasa malalim na part sila ng pool.Hindi nga niya pinansin ang panunukso nila Kim. "hmm...are you saying something babe?"ani William na nakangisi sa kanya.. Dahil nga hindi siya marunong lumangoy hindi siya bumibitaw sa pagkakayakap sa leeg ng binata. "Ano ba para kang sawa bumitaw ka na!" pang iinis nito. "Ayoko!can you get me out of here?" "Tssssskkkk.....maldita ka ito lng pala katapat mo..." "Pwede ba tawagin mo si Nick kung di mo ko iaalis dito..Im freakin cold damn you." "tssk...naiiling na natatawa na lang ang binata sa kanya. Nanginginig na kasi ang boses nito sa lamig nagawa pang tarayan siya. Inilapag naman siya nito sa louge chair at binalotan ng towel. Dahil mahina siya sa lamig giniginaw na siya. Tumayo siya para makapagpalit na ng damit ng muntikan ng matumba,nagiginig kasi ang tuhod nya. Walang sabi sabing binuhat siya ni William patungo sa guest room na kaniyang tinutuluyan. Kahit naman inis siya sa binata at si Nick ang crush niya,hindi maaalis sa kanyang humanga sa katawan nitong nakasuot lang ng trunks habang buhat siya nito. Tumutulo ang tubig sa basang buhok nito patungo sa katawan. Infearness maglalaway ang sino mang babae sa magandang katawan nito. Ang muscle at abs nito na nararamdaman nyang napapadaiti sa kanyang katawan habang buhat siya nito. Matagal na niyang kilala ang binata bukod pa sa ibang kaibigan ni Nick. Silang dalawa kasi ang kontra sa isat isa kaya hindi sila mag kasundo.Palagi siyang pinag iinitan nito. "Are you okay here?babalik na ko doon."anito "Lumayas ka na nga dito baka kung ano pang magawa ko sa yo."may pagkailang siyang naramdaman kaya inis niyang tinaboy ito. "Tingnan mo ito ikaw na nga tinulungan ganyan lang pala igaganti mo." "Siraulo ka ba? ikaw itong ihagis mo ko sa pool alam mo naman na hindi ako marunong lumanggoy,"inis na sigaw niya dito. "You know what you look cute when you're mad,"he tease her bago isara ang pinto ng walang paalam. "Bwisit!"may araw ka rin sa kin William!". Namumula siya at the same time naiinis dito. Inis na nagpalit siya ng damit bago pa siya mapulmonya sa kagagawan ng hudas na lalaking yon.Nanginginig ang panga niya sa lamig kaya nagmamadali siyang naligo buti na lang may heater ang mga banyo ng bbahay ng Ninang niya.Sa inis niya hindi na muna siya lumabas ng kwarto.Ayaw niyang makita ang pagmumukha ng hudas na iyon baka masapak niya pa. *******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD