Wala na si Patrick pero nakatanaw pa rin siya sa pintuang nilabasan nito. Paano nga kaya kung si Isay ang babaeng matagal na niyang hinahanap? Paano niya babawiin ang mga malulupit na salitang nabitiwan niya patungkol dito? Sunod- sunod siyang napailing na tila iwinawaksi ang kung ano mang naiisip. “Imposible talaga ‘yon.” Para ma-please ang masungit na amo, nagpaturo si Isay magluto sa pinsan niyang si Rona via phone call. Ito kasi ang pinakamagaling magluto sa angkan nila. “Hoy, Bruha! Bakit bigla-bigla naman yata ‘yang kagustuhan mong matutong magluto? Umamin ka nga sa akin, nag-asawa ka na ba? Loko ka! Ilang buwan ka palang diyan, ha.” Natawa si Isay. “Ate, ano ka ba? Nagpaturo lang akong magluto, asawa na agad?” “Ah, basta! Huwag ka munang mag-aasawa, ha? Huwag mo akong uunahan, s

