”Boss, nasaan ba si Hanna?” muling tanong ni Isay. Napabuga ng hangin si Zander. Mukha kasing hindi siya tatantanan ni Isay. ”Ang totoo niyan may tampuhan kami. Nagbabakasali lang ako na baka bumalik siya rito kaya nagpasya akong dito na lang siya hintayin,” palusot niya. ”Ang lakas niyo naman sa may-ari. Pinapasok kayo kahit wala si Hanna. Ang tagal na naming magkasama sa bahay, pero ngayon ko lang kayo na-tiyempuhan.” Kunwa’y ngumiti siya. “Hindi ko nga rin alam na may kasama siya sa bahay. Mag-isa lang kasi siya sa tuwing dumadalaw ako,” kunwa’y sabi niya. Ngumiti lang si Isay. ”Madaldal ka pala, noh? Akala ko tahimik ka,” aniya para maiba ang usapan. ”Kayo din naman po, Boss. Akala ko po s

