Masayang masaya si Verna dahil maayos na muli ang relasyon nilang dalawa ng binata.Malinaw na sa kaniya na hindi nagkabalikan ang mga ito para siyang nabunutan ng tinik. Sobrang saya naman ni Raven at makakasama na nito ang inakalang ama hindi na daw ito aalis at magkakasama na sila. Daig pa ni Verna ang nasa cloud9 sa sobrang saya. Sa resort na yon mismo gaganapin ang kanilang kasal. Lahat ay naihanda na ni Terrence bago pa ito nagpakita sa kanya.Nalaman pala nito kay Nick kung saan siya naroroon. Nalaman nya rin na ito pala ang nagpapadala sa kanya ng mga bulaklak. Kilig na kilig naman siya sa nalaman sobra pa sa pinapangarap niya ang binigay ng diyos. Panay pa nga raw ang reklamo ni Nick dahil ito pa ang ginawang delivery man ng mga bulaklak na pinapadala nito. Marami pang mga i

