"Louisse Natheo, tumayo ka na riyan."
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Dapat ba akong mainis dito kay kuya Levi na kanina pa ako minamadali kahit na mamayang tanghali pa naman ang flight nila Mommy? Dapat akong umiyak dahil sa ngayon na ang araw ng pag-alis nila Mommy't Daddy kasama si kuya Kenjiro? Hindi ko alam.
"Dalian mo na, Luna! Late na sila Mommy!" Rinig na rinig ko ang pagkairita sa naging tono ng pananalita niya. Kapag sinabi na niya ang totoong pangalan ko pagkatapos ay sinunod niya ang palayaw ko, alam kong hindi na siya natutuwa. Binuhat niya ang isang maleta na nasa paanan ng kama ko saka niya ako pinasadahan ng napakatalim niyang tingin.
Sa halip na sumagot, nanatili lang akong nakaupo sa aking kama habang masama paring nakatitig sa kaniyang kabuuan.
Nang mapansin niyang hindi ako gumalaw ay kita kong inis niyang binitawan ang maletang hawak niya. Bahagya pa siyang lumapit sa gawi ko at nabanaagan kong nakapinta na sa ekspresyon ng mukha niya ang kaseryosohan.
"Please, huwag ng matigas ang ulo," sobrang seryoso ng naging tono ni Kuya nang sambitin niya 'yon sa mismong mga mata ko. Hindi siya sumigaw pero ramdam na ramdam ko ang awtoridad.
Sasama ako? Para saan? Para maipamukha nila sa'kin na ilalayo nila ang nag-iisang taong kakampi ko rito sa bahay na 'to?
Kahit na labag sa loob ko ay inis ko paring hinablot ang maliit kong pouch sa lamesa na katabi rin ng aking kama saka padabog na nauna sakaniya sa paglalakad papalabas ng aking kwarto.
"Alam mo bang konting-konti nalang ay magkaugali na kayo ng hunghang na 'yon?" Rinig kong sambit ni kuya Levi mula sa aking likuran, si kuya Kenjiro ang tinutukoy niya.
Pabulong niya itong sinambit pero naging sapat 'yon upang marinig ko ito. Muli akong nakaramdam ng sobrang pagkainis. Tumigil ako sa paglalakad. Ramdam ko ang mabilis na pag akyat ng init sa ulo ko.
Katawa-tawa ba sa utak niya na makitang nasasaktan ako? Bakit pa niya kailangang sabihin 'yon?q
Marahan muna akong bumuntong hininga bago ko pa kinuyos ang aking dalawang kamao upang pakalmahin kahit papaano ang aking sarili. Inis ko siyang hinarap.
"Sa tingin mo, magiging ganito ako kung sa tingin ko ay tama ang mga ginagawa nina Mommy at Daddy?" Sarkastikong asik ko sa mismong mukha niya.
Hindi siya nagsalita agad. Bagkus ay nakipagsabayan siya sa titig ko. Sandaling katahimikan na muna ang namayagpag sa pagitan namin matapos kong sambitin ang linyang 'yon. Nakita ko ang madiin na pagkaka-igting ng kaniyang mga panga bago siya muling magsalita.
"Luna, alam mo bang napaghahalataan ka?" Halatang iritado na siya dahil sa nasaksihan ko ang pagsasalubong ng dalawang mga kilay nito.
Bahagya naman akong natawa sa huling sinabi niya. Umiling-iling pa ako bago ko siya pinagtaasan ng kilay. Pakiramdam ko ay mapapatay ko siya sa sobrang talim ng naging tingin ko ngayon sa mismong mga mata rin niya.
"Ano'ng sinasabi mong napaghahalataan? Kuya, are you really out of your mind?" Taas kilay na sambit ko sakaniya. Marahan pa akong bumuntong hininga bago muling magsalita.
"Ang hirap kasi sa'yo, ang tingin mo sa'kin ay isang malaking kakumpitensya sa lahat ng bagay!" Hindi ko na-kontrol ang sarili ko at naisigaw ko 'yon sa mismong mukha niya.
Pero parang walang naging epekto ang sigaw kong 'yon sakaniya at sa pagkakataong ito ay siya naman ang bahagyang natawa.
"Bata ka pa nga talaga, Zaicho." Blangkong sambit niya habang patuloy parin sa pagtawa niya ng bahagya. Tinitingnan-tingnan pa niya ako mula ulo hanggang paa na para bang kahusga-husga ako. Napalunok ako dahil sa mas lalong nag-alburoto ang dibdib ko dahil do'n. Nakakainis! Talagang pinapakulo nito ng malala ang dugo ko!
"Kuya, hindi mo alam ang nararamdaman k-"
"Pero hindi mo rin alam kung ano ang mga sinasabi mo," ngayon ay ako naman ang siyang natigilan, sa pagkakatong ito ay galit ang narinig ko sakaniyang tono.
"Matuto kang ibukas ang utak mo at ang mga mata mo, kapain mo kung sino talaga ang kalaban mo rito. Tingnan natin kung hindi ka magsisi." Ma-awtoridad niyang sambit.
Sa sitwasyon naming 'to, para kaming nagbabarilan sa mga mata namin. Parehong matalim at parang may kung ano pa nga siyang gustong sabihin pero parang pinipigilan lang niya ang sarili niya. Sobrang seryoso ng mukha niya at bakas sa ekspresyon ng mga mata niya ang sinseridad.
Hindi parin ako kumibo dahil sobrang ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa.
"Pino-protektahan lang kita, tandaan mo 'yan." Dagdag pa niya bago pa niya ako lagpasan at nauna na sa akin sa paglalakad.
Pinanood ko siyang maglakad papalayo sa gawi ko. Bakit kailangang maging ganito ang lahat?
Muli kong ikinuyos ang dalawang kamao ko nang maramdaman ko ang mga luhang pumapangilid sa aking mga mata.
Sa mga inaasta ni Kuya ngayon, parang pinipiga ng malala ang puso ko. Sobra na siya kung magalit sa'kin, hindi na katulad ng dati. Ngayon, sinisigawan niya na ako at nagagawa niya ng makipagsakitan, parehong pisikal at emosyonal, kay kuya Kenjiro na sobrang dumudurog sa akin.
Grabe, hindi ko lubos maisip kung ano'ng ginawang masama ni kuya Kenjiro para gawin nila 'to sakaniya.. sa amin. Bakit gano'n nalang kalala ang galit ni Kuya Zachario kay Kuya Malach? Mom and Dad are just so strict! At dahil do'n, hindi nila napapansin na nasasakal na kaming mga anak nila.
"Mag seat belt ka," kalmado ng tugon ni Kuya Zachario nang umupo ako sa front seat ng kotse niya.
Sandali ko siyang nilingon at agad rin na nag-iwas ng tingin. Hindi ko matagalan ang pagtingin sakaniya dahil kitang kita ko parin sa mga mata niya ang galit.
Malamang ay pinipigilan niya ang sarili niyang pagsalitaan ako ng mga foul na salita dahil alam kong ayaw rin naman niyang humantong rin kami sa brutal na pag-aaway, katulad ng nakagawian na nila ni kuya Kenjiro.
Pero kahit papaano ay nakahinga rin ako ng maluwag dahil hindi ko na ramdam ang tensyon kanina sa loob ng bahay.
Pinaandar na ni Kuya ang kotse. Ilang minuto na siyang nagmamaneho patungong airport pero ni isang salita ay walang lumabas sa mga bibig namin.
Papunta kami ngayon sa airport para ihatid sina Mommy at Daddy kasama ang nakatatanda kong kapatid na si kuya Kenjiro. Nakakabanas lang isipin na hindi ko maisautak ang katotohanang ilalayo nina Mom and Dad si kuya Kenjiro nang dahil lang sa'kin!
Agad kong nahuli ang pagbagsak ng ilang luha sa pisngi ko kaya agad ko itong pinunasan. Gustuhin ko mang huwag umiyak at ipakitang hindi ako naapektuhan pero alam kong ako parin ang lugi sa huli.
Bumalik sa huwisyo ang utak ko nang mapansing ibang ruta na ang tinatahak na destinasyon ni Kuya. Ipinasok niya ang kotse sa isang village, halatang matagal na siyang pumupunta dito dahil sa ibinaba lang niya ang bintana niya para siguro ipakit ang mukha nito sa giard ay agad na siyang pinapasok. Tumigil si Kuya sa tapat ng isang malaking bahay. Sino'ng anak ng nadimunyung diablo ang may-ari ng bahay na 'to?
Hindi ko maisalita ang nasa utak ko kaya't inabangan ko nalang ang susunod na gagawin ni kuya Levi. Pagod na pagod na akong makipagtalo sakaniya at pati narin sa mga nangyayari ngayon. 'Yong tipong maging ang katawang lupa ko ay nagnanais naring sumuko.
Pinanood ko siyang bumaba. At nang lumingon ako sa labas ay agad kong namataan na iniluwal ng malaking gate sina kuya Kenshin at.. Jairus?! Oh, crap! Don't tell me isasama ni Kuya ang mokong na 'yan?
Hindi na ako nakapagwelga pa dahil agad ring pumasok sa kotse si kuya Levi at sa back seat naman ay sina kuya Kenshin at Jairus.
"Ang aga naman yata nina Tita?" saad ni kuya Kenshin mula sa likuran.
"Para hindi raw hasel," kalmadong sagot ni kuya Levi bago pa niya iniliko ang kotse papalabas ng village na 'to.
Habang ako ay patuloy na nakatingin sa daan. Doon ay para akong tangang inaagilap ang sagot sa mga katanungang kanina pa nagtatalo-talo sa aking utak.
Nasa gano'n akong sitwasyon nang maramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko mula sa maliit kong pouch.
Louisse Natheo,
Hello, Luna, my Baby Sui. I know this is gonna be the last message of mine, don't mind if it's too long.
Please, ingatan mo ang sarili mo, ayokong nasasaktan ka. Lalo na ngayong mahaba-habang panahon tayong hindi magkikita, mahaba-habang panahon na wala ako sa tabi mo para protektahan ka. Kaya magpakalakas ka para sa sarili mo.
I want you to know, growing up with you was the best feeling ever. At ngayon na magkakalayo tayo, I already promised to you a while a back, while you were sleeping.. that I will uphold all those words that I left to god. Lahat ng mga pangakong 'yon ay para sa'yo, Sui. Papanindigan ko lahat, basta hintayin mo ako sa pagbabalik ko. I will always pray for you.
Louisse Nattheo Del Mundo, Kenjiro loves you so much.
Always,
Your Jiro
Hindi ko alam pero matapos kong basahin 'yon ay agad kong niyakap ang cellphone ko. Bawat salitang nanggagaling kay kuya Kenjiro ngayon ay sobrang hinahaplos ang puso ko. Marahil ay alam na mismo ng sarili ko na ito na siguro ang huling araw na masasabihan niya ako ng mga ganito.
Siya lang ang bukod tanging tao na nagparamdam sa'kin ng tinatawag na tunay na pagmamahal. Dahil wala akong ibang naramdaman sa kamay nina Mom, Dad at ni kuya Levi kung hindi ang paghihigpit, bawat galaw ko ay nakikita nila. Mapa-mabuti man o masama!
Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya't agad na nagsiunahan ang mga luha ko sa pagbagsak habang nakakulong parin sa dalawang braso ko ang aking cellphone.
Hindi ko alam kung ilang hikbi na ang ginawa ko pero hindi ko talaga maiwasan. Ramdam kong may humawak sa ulo ko. Marahang hinaplos haplos ito ni kuya Levi. Pasimple ko siyang nilingon at nakita ko ang sobrang bigat nitong paghinga, halatang pinipigilan niya rin ang mga luha niya.
"Naiintindihan kita, Luna. But be strong, sweetie, please? Uuwi rin sina Mommy." Rinig kong sobrang kalmado ng tinig ni kuya Levi nang sambitin 'yon.
'Yong kaninang parang galit na dragon kung sigawan at singhalan ako ay napalitan ng kalmadong ekspresyon. Agad kong inihilamos ang dalawang palad ko sa aking mukha.
Nang naramdaman kong natauhan na ako ay tumitig lang ako sa mga nadadaanan naming mga sasakyan.
Wala akong pakielam kung mukha akong tanga ngayon dahil alam ko na sobrang namumugto na ang mga mata ko dahil sa kanina pa ako umiiyak.
Muling nanumbalik ang sakit nang makita kong nasa airport na kami. Sandali na muna akong tumitig sa kabuuan ng airport bago muling bumaling kay kuya Levi.
"Kuya, are we going inside?" kalmado nang tanong ko.
"No. Just Kenshin and I. Maiiwan dito si Jairus para bantayan ka. Ayaw na muna ni Mommy at Daddy na magkita kayo ni Kenjiro." blangkong sagot niya sa'kin bago sila bumaba ni Kuya Kenshin. What?! Am I not able to say goodbye to my own parents?
Agad na bumaba si kuya Levi at kuya Kenshin. Inis akong sumandal sa upuan ng kotse bago ko pa marahang ipatong ang noo ko sa aking palad.
Sobrang gulong gulo na ng utak ko! Hindi ko magets kung paanong ilalayo nila si kuya Kenjiro. At hindi ko alam kung bakit sinisisi ng utak ko ang sarili ko mismo!
"Alam kong masakit, lalo na kapag umalis 'yong taong mahal mo nang hindi mo nalalaman ang tunay na dahilan." Isang malalim na boses mula sa likuran ko.
Tiningnan ko si Jairus sa rear view mirror at doon ay nakita ko ang malumanay nitong titig sa akin. Agad ko siyang pinagtaasan ng kilay.
"May sinabi ba akong ibigay mo ang opinyon mo?" Sarkastikong tanong ko sakaniya habang masamang nakatingin rin sa mga mata niya sa rear view mirror.
Tumawa lang siya ng bahagya bago niya unti-unting inilapit ang mukha niya sa likod ng inuupuan ko.
"Be strong. Bear with me, it's for your own sake." Malumanay niyang saad sa'kin. Bahagya naman akong natawa sa linya niyang 'yon.
"For my own sake?" Natatawa paring sambit ko habang nakatitig sa kawalan. "Tell me, nasaan 'yong ikakabuti ng kapakanan ko sa sitwasyon na'to?" wala akong pakielam kung sarkastiko ang nagiging tono ko sakaniya.
Muli ay bahagya siyang humalakhak bago siya sumandal sa upuan niya.
"Basic!" Pagmamalaki pa niya. "It starts with letter I." seryosong asik niya.
Agad ko siyang nilingon dahil sa huling linya niyang narinig ko.
"I?!"
"Clue.. Synonym of the word Forbidd-" hindi na naituloy ni Jairus ang sasabihin niya nang may magbukas ng pintuan.
"Nakaalis na sila?" Biglang tanong ni Jairus kina kuya Kenshin at kuya Levi na kakarating lang.
"Yes," tamad na sagot ni kuya Levi.
"Halatang nagmamadali sila, ah?" Sambit naman ni Kuya Kenshin habang humahawak pa sa baba nito.
"Edi maganda, para mawala na 'yong gagong Kenjiro na 'yon." Seryosong sagot ni kuya Levi.
Bahagyang umawang ang aking bibig bago ko siya nilingon dahil sa huling sinabi niyang 'yon. Doon ay muling nagsiputukan ang mga tanong sa utak ko.
Sobrang naguguluhan na ako!