Sophie Mae
Ngumiti ako nang makaalis siya at iniwan ang pagkaing dinala para sa akin. Minsan talaga kahit anong suplado niya sa akin, hindi parin niya ako pinabayaan, kaya mas lalo ko siyang minamahal.
Ako yung tipo nang babaing madaling ma turn off sa mga lalaking nakikitaan ko kaagad ng pangit na pag-uugali. Pero pagdating sa kanya parang perfect lahat. Maliban sa pagiging attractive niya, mabait at caring pa.
Nagtipa ako ng text message sa kanya para magpasalamat, saka nilantakan ang pagkain niyang binili. Pizza, milk tea at mga iilang chocolate ang dala niya. Mga paborito ko ito at oo alam niya. Kung makikita kami ng iba iisipin nilang manliligaw ko si sir Wohley kaya lang hindi tssk, sana talaga totoo na lang hayyts.
Sir Wohley: Eat more.
Patigil ako sa pagkain at ngumiting muli sa reply niya.
"Ang cold mo Sir, pero yung puso ko umiinit sa tuwa!" Bulong ko sa sarili.
Bumuntong hininga ako nang matapos kong paligoan ang sarili, at muling binagsak ang sarili sa kama. Naka pusod pa ang tuwalyang nasa ulo ko nang abutin ko ang laptop para mag online. Sinusubokan ko muling hanapin ang pangalan ng kaibigan ko at nagbabakasakaling mahanap siya. Ngunit mag-iisang oras na ako wala parin. Napagod lang ang mata ko kakahahanap.
"Mababaliw ako sayo babaita, nasaan ka na ba?" Nakanguso kong bigkas.
Gabi nang lumabas ako sa kwarto para magluto nang haponan. Ganito na lang lagi ang ikot ng maghapon ko kapag walang trabaho. Sa apat na taong namumuhay mag-isa nasanay na ako, kahit laging hinahanap ng presinya ko ang matalik na kaibigan.
Naabala ang aking pagluluto nang umingay ang cellphone ko sa taas ng lamesa, at nakita ang pangalan nang Nanay ko.
"Hello Ma!?" Naka ngiti kong sagot sa pagtawag niya.
"Hoyy Sophie Mae, ayos ka lang ba? Ano itong nababalitan kong muntik ka na raw mahulog kanina sa building ha!? Luko kang bata ka uunahan mo pa kami ng Papa mo mamatay ah!"
Nailayo ko ang cellphone sa tainga dahil sa lakas at pasigaw ng boses niya. Bahagya ko pang naikamot ang tainga saka muling inilapit.
Saan naman kaya niya nabalitaan, sa tingin ko naman walang contact si Sir Wohley sa kanila.
"Ma, kalma po!?"
"Paano ako kakalma ha? Sophie Mae! P-paano ako kakalma kung muntik nang mawala ang kaisa-isa naming anak."
"Buhay pa po ako Ma!" Biro ko.
"Aba..... at parang tuwang tuwa ka pa? Paano kong tuluyan kang nahulog at na matay? Sinasabi ko sayo Sophie ako mismo ang papatay sayong bata ka."
Napakagat labi ako at napakamot sa ulo. Alam kong nag-aalala lang siya kaya pa sigaw siyang magsalita.
"Opo, sorry na Ma! Hindi naman po sadya ang nangyari kanina. Tsa'ka paano nyo po na laman?"
"Hindi na mahalaga kong saan ko na laman. Sa ngayon magresign ka na sa trabaho at umuwi ka na dito sa'tin."
Umawang ang bibig ko at namilog ang mata sa narinig.
No... Hindi pwedi, ngayon pa ba na parang may pag-asa na ako kay sir Wohley. Hindi pwedi.
"Hindi pwedi Ma!" agad kong pagtutol.
"At bakit?" Iritadong sagot niya.
Kung magkasama lang kami malamang nakurot na ako sa tagiliran at pinaglalakihan na ako ng mata. Marahil nga seguro ngayon baka kunot na ang kanyang noo sa inis, dahil sa pagtanggi ko.
"Kasi po, nandito ang trabaho ko. Tsa'ka yong mahal ko Ma!"
"Sophie Mae Calliste!"
Muli kong nailayo ang cellphone sa sigaw ni Mama.
"Milanda, ang boses mo!?" dinig kong pagsaway ni Papa kay Mama.
"Bakit ako? Itong anak mo ang tigas ng ulo e."
"Kausapin mo ng mahinahon."
"Kinakausap ko Sunny pero itong anak mo ang tigas nang ulo. Gusto na yatang mamatay."
"Ma, hindi naman po sa ganon," singit ko sa kanila.
"Basta magresign ka na d'yan!" Aniya at agad pinatay ang tawag.
Ngumuso ako at muling tumawag.
"Hello anak!" hindi na ako nagulat kung si Papa ang sumagot.
"P-Pa? Si Mama po?"
He sighed. "Umalis at umiiyak."
Bumuntong hininga ako at napapikit ng mariin.
"Hayaan mo muna ang Mama mo anak, alam kong napa mahal ka na sa trabaho. Pero huwag mong pababayaan ang sarili para hindi na mag-alala ng gusto ang Ina mo!"
"Opo!" Sagot ko habang tinatango ang ulo.
Hindi rin tumagal ang pag-uusap namin ni Papa nang nagpaalam siya para puntahan si Mama. Nagtatampo siya sa akin kaya nagdadrama.
Bumigat ulo ko matapos silang makausap. Gusto kong sabihin kay Mama na hindi sinasadya ang nangyari ngunit mas nanaig ang pagiging Ina niya. Hindi ko siya masisi dahil anak niya ako, at kahit lagi niya akong inaaway alam kong concern siya sa kalagayan ko, ngunit nagmamatigas ako. And I felt guilt that way, mas gusto kong manatili just because of him. I know this is wrong, but I still stay.
Marami na akong naging ex boyfriend, at kadalasan sila ang naghahabol. Ngunit nagbago iyon, dahil ngayon ako ang naghahabol sa lalaking mahal ko kahit alam kong walang pag-asa. But I still tried baka lumusot at mahalin rin ako pabalik kahit malabo.
"Ohhhh Sophie tagal mong nawala ah!" Bungad ni Lucas ng makapasok ako sa elevator papunta sa office ni sir Wohley.
Umiling ako sa kanya at ngumiti. Dalawang araw lang naman akong na wala pero parang ang datingan sa kanya halos dalawang taon.
"Bakit na miss mo ako?" hirit kong biro.
"Kahit sabihin kong oo wala naman akong pag-asa sayo," desmayado niyang sambit.
I smiled and nodded. "Mabuti at alam mo."
Ngumiti siya at umiling. "Then, good luck sa pagiging aso kay Sir Wohley."
Nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Medyo na hurt ang feelings ko doon, but it's okay. Wala silang alam sa nararamdaman ko.
Tumingin ako sa mga mata niyang mapanghusga, saka ngumiti ng hindi magpapatalo.
"But at least I tried my best to get him, even you called me a dog. Not like you na tamang tingin lang sa babaing gusto, dahil hindi mo kayang makuha."
Siya naman ngayon ang natameme at hindi maka tingin sa mata ko. Lumabas siya nang bumukas ang elevator sa floor kung saan siya naka assign.
"See you around Lucas," habol ko.
He look at me and smile, kahit pilit.
"Uyyy Sophie kamusta?" tanong ni Erica nang makaupo ako sa swivel chair at inaayos ang mga gamit sa table.
"Ayos lang."
"Nabalitaan namin ang nangyari sayo noong pumunta kayo sa site."
Napahinto ako sa ginagawa at tumingin sa kanya na taas ang kilay. Nagtataka lang ako, kasi wala akong pinagsabihan tungkol doon kaya paano nila na laman?
"How did you know?" I asked her curiously.
"Alam mo naman ang tsesmis may pakpak, kaya kahit hindi mo sabihin o Sir Wohley nalalaman namin," aniya.
Bakit pa nga ba ako nagtatanong, Kung totoo naman ang sinabi niya.
"I'm okay and alive, he rescue me immediately that's all," tamad kong paliwanag.
"Hayyy, gusto ko ring maligtas ng isang Wohley Gifford like you Sophie. Like princess, and prince try to save her ohhh!" Nakapikit ang mata at siklop ang dalawang kamay na nakalagay sa mukha niyang aniya.
"I'm sorry girl, pero ako yung tinutukoy mo!"
"Tss, ang damot nito, mahal ka ba?"
"Mamahalin pa lang."
"Paano kong ako ang maunang mahalin?"
"In your dream!" agad kong sagot.
Sabay kaming napatawa dahil sa lalokohan. And yes, she like him too. See? Ang dami kong karibal sa boss namin, at hindi ako basta-basta susuko.
"Opps I'm gonna go, our crush is here na at ang pogi."
Sumunod ang mata ko sa tinitingnan niya at na kita ang pinaka gwapong tao sa balat ng lupa na si Sir Wohley. And here I am again. Bumibilis na naman ang pagtibok puso. Like Erica said his super handsome wearing his black office suit. Lagi naman ganito ang purma niya lalo kapag nasa company pero bakit ba ang pogi-pogi ng dating niya sa akin?
Tumingin siya sa akin kaya tumama ang mata naming dalawa.
Hindi ko nakitaan ng ano mang reaksyon, dahil nakatitig lang siya sa mata ko papalapit sa akin.
'Grabe ang bango talaga ni sir.' Boses ng aking isipan nang makarating siya sa harap ko.
"Your here!? Are you okay now Ms. Calliste?"
'Okay na okay na Sir lalona't narito ka.' Muling sabi ng isipan ko habang naka titig sa mata niya.
"I think Sir, ganyang ganyan po siya kapag nakikita ka. By the way good morning po!" Erica said then she left when sir Wohley is nodded.
"Heyyy!" anito at ngumiti pa.
OMG matutunaw yata ako, alam kong pogi na s'ya pero ang ngumiti pa. Sh*t ayy sorry Papa G, hindi ko lang mapigilan ang sarili ko. Bakit naman po kayo lumikha ng ganitong klasing tao ang pogi.
"S-sir s-stop smiling please," mahinang sambit ko.
At ayon na wala nga ang ngiti at napalitan ng pagkakunot ng noo.
"Why? It's something wrong with that? I'm just happy to see you, that why I'm smiling."
"Grabe naman sir, hindi ko kinaya ang banat mo." Napataas ang kanang kilay niya sa kalitohan. "I mean mas gumagwapo po kasi kayo sa paningin ko kapag naka smile, tapos babanatan nyo ako ng ganyan? Hindi nyo po ba alam pana'y na po ang t***k nitong puso ko sayo," turo ko sa puso ko at agad nagfinger heart.
Hindi na niya napigilang tumawa ng nahina at iniling ang ulo.
"I think you're okay now," aniya.
Kinagat ko ang ibabang labi para pigilin ang sarili sa nararamdamang kilig.
Kalauna'y napa tingin ako sa bahaging kinaruroan ni Erica. Ngumuso siya at inirapan ako. Nginusuan ko siya at pinainggit pa dahil napatawa ko ang crush namin.
Napatawa nalang ako nang dumila siya at naaasar umupo sa swivel chair niya.
"Sir, you have a meeting mamayang ten thirty kay Mr. Del Rosario and meet Ms. Caroline Valdosta mamayang lunch-"
I stop talking when he raised his right hand.
"Who's Valdosta?" he curiously ask.
"She's your date later sir, and that's your mother said."
Napa tayo siya nang marinig ang sinabi ko.
"What? Cancel it!" anito at agad akong tinalikuran, kinuha ang cellphone at nagtipa roon.
Nagbubunyi sa saya ang puso ko, dahil alam kong tatanggi siya sa plano ng Ina. Ilang beses na siyang ginanito ng Mommy niya pero laging cancel dahil ayaw niya.
"Mom I can't do that. You know what I said, stop doing this again," galit niyang binaba ang cellphone at sinuksok na lang sa bulas ng pants niya.
Umalis na ako at bumalik sa table nang matapos kong masabi ang mga schedule niya ngayon araw.
"Let's go!"
Napa tayo ako bigla sa pagsulpot niya sa harap ko.
"Saan po Sir?"
"Cancel all my schedule now."
"What? But sir-"
"Her deaths anniversary now."
Napakurap ako ng mata at biglang inalala ang sinabi niya.
"I'm sorry Sir I forgot about her," agad kong paumanhin sa kanya.
Wala siyang imik sahalip tinalikuran niya ako at agad inalis.
Minadali kong inimis ang mga kalat sa table at nagmamadaling sinukbit basta ang shoulder bag sa katawan. Humabol ako sa kanya hanggang sa elevator.
Hindi niya ako tiningnan nang makapasok sa elevator, kaya napanguso ko.
Kanina lang naka smile siya pero nawala bigla ang good mood niya. Ano pa nga ba ang inaasahan ko kapag death anniversary ng minamahal niya. As usual iniisip na naman niya ang ex girlfriend, iiyak at magmumukmuk buong araw sa bahay niya pagkatapos dumawal sa puntod.
Pareho kaming naka tanaw ni Mang Eping sa kanya mula rito sa kotse at siya ay nakatitig sa lapida ng ex girlfriend niya.
"Anong awa ko sa batang iyan hija. Halos walang taon na siyang ganyan."
Lumingon ako kay Mang Eping. "8 years na po Manong?"
He nodded.
"Ganon katagal? Ibig sabihin ganon niya kamahal ang ex girlfriend niya?" Mahina at nalulungkot kong bigkas.
"Pero ang pinagtataka ko bakit kasama ka niya?"
"Po?"
Ngumiti siya sa akin saka muling tiningnan si sir Wohley.
"Madalas nagiisa siyang pumunta dito, at nitong mga nakalipas ng taon at nakilala kita bilang sekretarya niya. Nagtataka ako dahil naisasama ka at gayo'n din ako."
"Baka trip lang niya Mang Eping," biro ko.
Tumawa siya ng mahina, "masaya akong ikaw ang kasama niya hija, at nakikita siyang ngumiti kahit papaano."
"Tss, alam nyo pong gusto ko si Sir Wohley. Kaya ginagawa ko po ang lahat para mapangiti siya."
Muling ngumiti si Mang Eping ngunit may kung anong kahulugan. Alam ko kahit hindi niya sabihin. Basta ako sinusubokan kong makapasok sa mundo ni Sir Wohley kahit anong mangyari.
Kinuha ko ang nabiling fresh flowers at lumapit sa kanya. Narinig ko ang pagsinghot niya nang mailapag ko ang bulaklak sa puntod.
"Hi.. It's me again. Pinaiiyak mo na naman ang boss ko. Pero don't worry I'm here naman, at akong bahala sa kanya."
Tumingin ako kay sir Wohley at na kita siyang nagpupunas ng luha. Kinuha ko mula sa bulsa ang panyo ko para ibigay sa kanya.
"Lagi nyo na lang pong nakakalimutan magdala ng panyo sa tuwing pupunta rito."
Kinuha niya ang binigay ko at agad pinunasan ang luha.
"I'm sorry, you always doing this, at nakikita mo pa akong umiiyak like a child."
"Kapag mahal mo, tanggap mo lahat kahit ang pangit n'ya pang umiyak. E mahal kita kaya ayos lang," pasada kong muli sa kanya.
Nailing niya ang ulo at tipid na ngumiti.
"You're so funny Ms Calliste."
"That's true Sir, ikaw lang po itong ayaw maniwala. Tsa'ka move on na sir para may puwang na po ako sa puso mo," muling banat ko.
"I can't do that."
"Why? Walong taon na po siyang wala. Tsa'ka baka kailangan na rin pong mahasa si Jun-jun."
Seyoso niya akong tiningnan at bumaba ang mata sa dibdib at kasilan ko. May pantalon at panty pa ako pero sa uri ng titig niya parang tumagos yata hanggang loob ang mata.
"I don't want a girl to satisfy my needs." Mahinang aniya, at biglang napalunok ng laway.
Binalik niya ang paningin sa puntod at tila kay lalim ng iniisip.
"Ahh oo nga pala nandiyan naman si Maria to satisfied your needs," agad kong kinagat ang sarili labi dahil sa tabilan kong bibig.
Muli niya akong nilingon at kunot noong tumingin.
"Who's that?" He asked me curiously.
"Edi sino pa si Maria. A.k.a Mariang palad," tinaas ko pa ang kanang kamay ko at pinakita sa kanya, hindi pa ako na kontento dahil hinulma ko pa ang kamay na may hawak tapos tinaas baba.
"FVCK!" mariin niyang bigkas sa ginawa ko.
Tumingin ako sa kanya at nakita siyang namumula. Agad akong lumapit at baka napaano siya.
"S-sir, are you okay?"
Tinaas niya ang kamay at pinapalayo ako.
"I'm okay, we have to go." Aniya.
Napakamot ako sa ulo dahil sa pagtataka at kibit balikat na lang sumunod sa kanya.
Minsan hindi ko alam ang takbo ng utak niya. Wala naman akong sinabi na masama maliban sa..... tssk basta.
"After this magmumokmok naman po kayo sa bahay niyo?" Wala sa sariling sambit ko.
Bumuntong hininga siya at walang sinagot.
"Alam mo dapat mo nang akong mahalin," muling saad ko.
Umubo bigla si Mang Eping, at siya ay nakakunot uli ang noo. Sa inis nilapat ko ang kamay sa noo niya at hinilot para mawala. Lagi na lang kasing kumukulubot.
"Ms. Calliste what are you doing?"
"Inaalis ko lang po ang kulubot sa noo n'yo ang pangit kasi hindi bagay sa kapogian mo."
"Stop it, I know you like me, but I don't like you. You're my employee, and always remember that Sophie."
"I know but I like you Sir. Wala kang magagawa sa nararamdaman ko dahil mahal kita, tulad ng pagmamahal mo sa ex girlfriend mo. Kung wala kang magagawa to move on ganon din ako. All this time ngayon lang ako nagmahal ng ganito Sir at sayo lang."
"But I can't love you back Sophie. I love her so much and I know you know that."
I froze. Tila may kung anong sumaksak sa puso at nararamdaman ang subrang sakit. I expected this but it's to hurt. Gusto kong umiyak sa harap niya but it's too much.
"M-Mang Eping sa tabi lang po ako," mahinang sambit ko ngunit alam kong narinig niya.
"What are you thinking Ms Calliste, malayo pa itong lugar sa apartment mo."
"P-Papahangin lang po ako Sir," I said.
"But-"
"Ihinto nyo na po dito Mang Eping," muling sambit ko.
Huminto ang sasakyan sa tapat ng playground, at agad akong lumabas ng hindi man lang nagpaalam. Humanap ako ng lugar kung saang walang tao para mailabas ang mga luha ko.
Nanlalabo na ang mata ko, at humihikbi. Huminto ako nang hindi na kayang pigilan ang luhang lumabas sa mata.
Naging sunod-sunod ang pagpatak ng luha ko, at ramdam ang paninikip ng dibdib dahil sa subrang sakit. His not my boyfriend pero dinaig ko pa ang mga taong kakatapos lang makipag break up.
Naupo ako sa isang bench ng mahimasmasan, at tulalang nakatingin sa mga batang naglalaro.
"Hi ate!"
Napalingon ako sa batang kumalabit sa akin. Ngumiti siya kaya napangiti rin ako.
His a chubby and cute.
"May nagpapabigay po!" aniya at binigay sa akin ang panyo.
"Kanino galing?"
"Bawal daw pong sabihin, at ang sabi huwag na daw po kayong umiyak."
I smiled and nodded, ginulo ko ang buhok niya bago siya umalis.
"Tssk, at sino ka namang stranger?" I whispered.
Tumagal pa ako ng ilang menuto sa lugar dahil naaaliw akong tumingin sa mga bata, at kahit papaano gumagaan ang pakiramdam ko.
Nang maramdaman ang gutom saka lang ako nagpasyang umalis at umuwi sa apartment ko.
Wala na akong trabaho kapag ganitong death anniversary ng ex girlfriend niya dahil, wala rin siya sa office.
Halos maghahaponan na akong tinatapos ang mga reports ko. Kailangan ko nang matapos ito dahil magkaroon ng meeting bukas.
_______
Nainis kong kinuha ang cellphone dahil naging abala sa ginagawa ko.
"Hello!?" halata sa boses kong naiirita.
"Hello hija si Mang Eping mo ito."
Nagulat ako at agad tiningnan ang screen ng cellphone, at oo si Mang Eping nga.
"Sorry po Mang Eping, bakit po may problema po ba kayo?"
"Naku hindi ako, si sir Wohley hija. Lasing at nagwawala. Wala akong ibang kontak para matawagan kung ikaw lang."
"I understand po pupunta po ako d'yan."