Sophie Mae. "Kailan ka ba uuwi?" "Uuwi agad Ma? Hindi po ba pweding magliwaliw muna bago umuwi?" pabiro kong sagot. "Kung gusto mo lang naman magliwaliw, umuwi ka na at mag-araro dito sa bukid." "Mama naman, hindi mabiro... Opo uuwi ako agad, hindi bukas baka mga next week pa." "Aba't iniinit mo talaga ang ulo ko Mae." "Sophie Ma," paguulit ko sa pangalan ko. "E, Mae ang gusto ko bakit ba? Ako talaga Sophie Mae huwag mo akong pinaghintay sa iyo malilintikan ka talaga sa'kin." Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa mga linyahan ni Mama. "Opo Ma, uuwi na, next week promise!" "Siguradohin mo lang Mae!" "Opo Ma, sige na po love you!" Muli akong bumuntong hininga matapos ang pag-uusap namin ni Mama. Sa ilang sandali pa napagpasyahan ko na ring umuwi dahil magtatanghalian na.

