"Goodmorning everyone!" Kakapasok ko lang sa set. Magsisimula na ang taping mula sa bagong series namin ni Sam. Dala-dala ni Gigi ang mga gamit ko pero medyo hirap at madami iyon. Mayroon na rin kasi akong bitbit na gamit. Nakasalubong namin si Sam, binati niya muna ako at nang makita kaming nahihirapan, especially Gigi, nag-insist siya na tumulong kay Gigi. "Salamat po sir" nahihiya pang sambit ni Gigi. "No. It's fine" ngumiti si Sam. Napatulala pa si Gigi dahil sa ganda ng ngiti ni Sam. Napailing na lang ako. Ganiyan din ako noong unang kita ko kay Sam. Na-star struck ako. Ang pogi naman kasi talaga. Papunta na kami sa aming tent at kamalas-malasan, kasama ko sa tent si Cleo. Nagkasalubong kami palabas. Mataray ang bungad niya sa akin pero nang makita si Sam sa likuran ko,

