Blade Ford-Morgan’s POV Hapon na, at sa kabutihang-palad ay wala namang masyadong nangyari sa buong araw. Mas naging matiwasay din ang maghapon dahil wala ang mga bully, at higit sa lahat, walang nangyaring masama sa aking reyna. Iyon ang pinakamahalaga sa lahat. “Hubby, tara na,” tawag ni Denise habang naglalakad sa unahan. Nginitian ko lamang siya at agad na sumunod. Galing pa kasi kami sa opisina para sunduin ang pusang si Gray, kaya halata kong medyo nahihirapan siya sa dami ng dala niya. “Akina nga iyang bag mo,” sabi ko habang inaabot ang bag niya. Hindi naman siya tumutol, kaya kinuha ko iyon sa kanya. Sa kabilang braso niya naman ay karga-karga niya si Gray. Napabuntong-hininga ako nang palihim. Fuck. Iniisip ko pa lang na magkakaroon ng pusa sa mansion, kinikilabutan na

