Second quarter na kaya nagsimula narin kaming maging busy. Ang rami nang pinapagawang iba't ibang project sa amin ang prof. Idagdag pa yung Algebra subject namin na nagpapainit lalo ng ulo ko. Kahit anong intindi ko doon ay hindi ko magawang kabisaduhan ang iba't ibang formula's. Napakarami nito at ang raming pasikot sikot. "Paano mo nagagawang ipasok sa utak mo nang walang kahirap hirap ang lahat ng 'yon? Pakiramdam ko ang bobo ko." Sumandal ako sa sofa kung saan siya nakaupo. Nakatunganga na naman siya sa laptop niya at may panibago na namang sinusulat sa documents niya. Hindi ko lubos maisip kung paano niya ginagawa ang bagay na 'to. Napagsasabay niya ang lahat nang walang kahirap hirap. "Ginagamit ko kasi ang utak ko." sagot niya habang patuloy parin sa pagtitipa. Gusto ko mang sapa

