"Alam na ba ni Tito na may boyfriend ka?" Tanong ni Anne sakin nang papasok na kami sa school. "Hindi. You know my Dad. Ayaw niya akong payagang pumasok sa ganitong bagay kung hindi pa ako nakakapagtapos ng pag-aaral. I disobeyed him. Do you think he'll be glad if he knew this thing? Naglihim ako sa kanya." Bumusangot agad ang mukha ko dahil sa mga sumagi sa utak ko. Paano kung nalaman itong lahat ni Dad? I can't keep this forever. Dadating ang araw na malalaman niya rin ang lahat ng 'to. "Your Dad wont kill you if he finds out. Tell him. Mas mabuting maaga pa lang ay sinabi mo na kaysa siya pa mismo ang makaalam ng mga pinaggagawa mo." Puno ng kasiguraduhan niyang sabi. Napabuntong ako ng hininga. My cousin is right but this is not the right time. Busy pa si Dad sa trabaho at parati si

